Back to regular programming
Mahirap masanay kahit madalas ang pag-alis. Pero sabi nga ni Bayang Barrios, malayo man, malapit din. Kinaya na ng isang taon, kakayanin pa ulit ng isang taon (o mahigit). Balik-estudyante na naman ako. Mamaya kukuning ko yung grades ko last sem, manghihiram ng laptop para gumawa ng mga utang na reports, maghihiram ng IC recorder para sa conference bukas. Pero ang start ng klase ko e next week pa. Kailangan ko lang ayusin yung registration ko para hindi na maulit yung summer ko na hindi ko na-enjoy.
Ang bilis ng isang buwan. Mabilis siguro talaga ang oras pag nag-eenjoy. Kahit halos buong araw ay nasa bahay ako kase si paeng naman e gabi na natatapos sa work, enjoy manood ng TV, makipag-usap kay nanay, sa mga kapitbahay, at sa mga makukulit na bata.
Nakakairita lang kase napagtripan ako ng guard dun sa NAIA. Pinabawasan yung backpack ko. Dun ko pa naman nilagay yung mga pasalubong kong pagkain tsaka libro. Hindi ko pwedeng i-sacrifice yung mga biniling libro dahil kailangan ko ng sumulat ng proposal para sa research kaya naman sa mga pasalubong ako nag-goodbye. KAINIS!
Napansin ko lang na parang sumasarap ang airplane food. Palagi namang chicken ang kinakain ko sa eroplano at sarap na sarap ako sa kinain ko nung Linggo. May chocolate cake pa! Hindi rin nawawala ang ngiti ng mga steward at stewardess. Enjoy ko din yung flight ko kase pinalabas nila ay The Longest Yard. Tawa ako ng tawa. Hindi naman ako nahiya kase tawa rin ng tawa yung katabi kong dalawang lalake. Naging daan pa tuloy yun para magchikahan kami.
Yun nga lang nagutom din ako pagdating ko sa bahay. Walang makain kase yung housemate ko e nagpapaksarap sa Germany. Buti na lang may tuyo at may konti pang red rice. Solb na kahit papaano.
At ngayon, hindi ko alam kung bakit ako sinisipon. Hindi na ba ako hiyang dito? Pareho pa rin naman ang temperature. Uminom na ako ng gamot at vitamins kaya sana naman e mawala na agad.
Pag mataas grades ko pagmamalaki ko dito sa blog. Pag hindi, forget na lang nating lahat.

5 Comments:
Diosa,
Uy bumalik ka na pala sa Japan. Nangungumusta lang naman. Unti-unti ng lumalamig dito... Brrrr....
Nga pala, may contact ka ba kay Ma'am Peneyra? Alam mo ba email add niya? If so, paki-forward naman o, I need some resources...
Salamat,
LIW
Hi,Ria!
Welcome back!!Hindi ka nanibago?Malungkot sa unang araw ng pagbabalik,eh......Mabuti
na lang at busy ka.....
ganbatte ne,
gee
exchange student ba si nava-san?
hi ria!!! welcome back to nihonland. :D tama si bayang, "malayo man, malapit (na) rin". kunting panahon na lang magkakasama na ulit kayo ni kuya. ipahinga mo lang yang sipon mo. baka nahawa ka lang sa eroplano o di naman kaya napagod ka ng husto sa pagbyahe plus yung imbyernang guard sa NAIA. keep in touch. mwah.
Post a Comment
<< Home