Friday, September 22, 2006


ala-ala ng tagsibol
 Posted by Picasa

Thursday, April 27, 2006

tulog muna ako
at sa paggising,
bagong bahay.

Tuesday, April 11, 2006

The New Acad Year

I had a blast from our Hanami-BBQ party last Sunday. There were about 20 of us, 3 were Japanese friends and the rest were proud pinoys and pinays. We feasted on terrific food, welcomed new students, enjoyed the cherry blossoms, said goodbye to vacation, while celebrating the beautiful spring season. Here is a nice picture of us under a cherry blossom tree.

Image hosting by Photobucket

Happy times are gone. I now say hello again to studies, which is a different kind of fun. Second year of grad school. I won't be taking so much classes like I did the last time. I've almost completed my course work and it's now time to concentrate on my thesis. I have nine months to finish that. No worries yet, I guess.

Since my acad load will be lighter, I will have little projects to keep me busy. Two new temporary blogs, one for Filipino students here in Kyoto, and the other about Philippine languages, which will be co-managed by linguist-in-waiting. I also plan to collect some materials to be used as exercises for Japanese language classes in our department back home. And I will work onto something publishable in a journal this sem. I hope I can see my name in print before the year ends. Or better yet, before the fall sem starts.

Yes! I have objectives. Now, I only have to take action. And I will.

Thursday, April 06, 2006

Nasaan na yung dalawang buwan???

Pasukan na naman bukas. Natapos din ang bakasyon. Hindi ko naenjoy ng buo. Bakit? Kasi nung February, buong buwan akong giniginaw. Sino ba naman ang sisipagin na maglakwatsa kapag sumasakit ang ilong at ulo at ngipin dahil sa lamig? At nung March naman, ang pangit ng weather. Malamig pa rin, nagsnow pa, tapos umulan-ulan pa. Konti lang yung lakwatsa ko. Pero ok na rin, kasi konti din lang ang gastos.

Last day ng March, nagtrain ride kami mula Kyoto hanggang Hiroshima. Alas-sais ng umaga nasa loob na kami ng train. Sa loob na rin kami naglunch, sandwich lang naman. Almost 6 hours para pumunta sa Hiroshima. Nagtitipid kasi kami kaya dehins kami nagbullet train. Limang oras lang kaming namasyal sa Hiroshima. (Saka na lang ang pictures dahil nasa ibang camera.) Bago mag-five thirty nasa train na naman kami. Nagdinner kami ulit sa loob ng train, kumpletong meal. Tapos, bumili ng alcoholic drinks at nag-inuman kami sa train. Bagong experience na naman. Hanggang tingin lang ang mga ibang pasahero sa amin kasi wala kaming pakialam basta lumalaklak kami.

At bukas, resume na naman ang estudyante blues ko. May apat na units pa akong natitira. Dalawang subjects para sa thesis. Parang tinatamad na akong kumuha ng extra subjects. Kailangan ko lang magsipag talaga para makagawa ng papel at ng makapagbasa naman ako sa conference habang nandito.

Pero bago ang lahat, tatapusin ko muna ang KareKano anime series.

Wednesday, April 05, 2006

Malinaw na...

...ngayon kung bakit ako tumataba.

Image hosting by Photobucket

Yung panghigop pa lang ng sabaw ng ramen e, GIGANTIC na! Mayaman pa ang ramen na iyan sa karne, limang hiwa, hindi katulad ng sa iba na isang lang.

Kung ipagpapatuloy ko ang pagkain ng ganyan kadaming amount ng food every meal, baka hindi na ako kayanin ng bisikleta ko.

At baka magkasakit pa ako dahil sa mantika at alat.

Ok lang siguro. At least hindi ako matitigok nang gutom.

Sunday, March 26, 2006

Greatest Things

I just heard a beautiful sermon at the Church today, by a Pastor and I was reminded of the three greatest things today.

GREATEST TRUTH: God so loved the world.

GREATEST GIFT: He gave us His only Son, Jesus Christ.

GREATEST ASSURANCE: He who believes in HIM shall not perish but have eternal life.

I am not that religious, but it is good to be reminded of these things. We all live busy lives and sometimes don't have the time or energy to reflect about stuff. If we are not in the habit of doing this reflection thingy, now is a good time to start. After all, it is Lent.

Monday, March 20, 2006

Hisashiburi no Ii Tenki

Medyo matagal-tagal din nag-uulan dito, gloomy, walang sigla. Kaya naman kanina, sinamantala kong maglakad mula bahay hanggang school, 30 minutes din yun. Palagi na pala akong naglalakad, bilang exercise. Bitbit ang aking digicam, naisip kong pumasyal muna sa isang templong madadaanan ko. Namumulaklak na daw ng plum. At kahit hindi ako girly-girly, mahilig ako sa flower (so girly-girly nga ako?). At hindi naman ako nadisappoint sa pasyal ko na inabot ng isa't kalahating oras.

Hindi pa naman in full bloom pero marami na ring bulaklak. Kaya naman madami na ring mga Japanese na namamasyal at kumukuha ng pictures. Kokonti nga lang ang kabataan. Karamihan, mga nanay at tatay, at lolo at lola. Bihira na lang kaya ang nakaka-appreciate ng ganitong ganda ng buhay?

Buti na lang at sobrang maganda ang panahon. Ang sarap maglakad-lakad. Ang gaan-gaan ng feeling. Ang reklamo ko lang ay wala akong kasama kaya puro bulaklak ang pictures ko. Pero nakahanap pa rin ako ng paraan para maisama ang mukha ko kasama ng mga bulaklak.

Ang sarap ng pakiramdam. Lumabas ako ng temple na nakangiti. Mahirap iexplain. Pero sigurado ako naramdaman niyo na rin yung ganung feeling na magaan, masaya, at maganda ang mundo.

Eto ang ilan sa mga pictures na kinuha ko.

Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket

Madami pang pictures rito kung gusto niyong makita.

Wednesday, March 15, 2006

Sa gitna ng somewhere

Ang Mt. Hiei ang pinakamataas na bundok sa Kyoto. Yung kalahati nito. Ang kalahati ay nasa Shiga Prefecture, katabing probinsiya ng Kyoto. Nagdrive kami paakyat ng bundok, salamat sa host father ng isang kaibigan. Buti na lang at maaraw kaya kita ang Shiga at ang Biwa Lake. Yung kabila, Kyoto, medyo maulap. Tapos nagsnow pa kahit middle of March na.

Image hosting by Photobucket
KYOTO
Image hosting by Photobucket
SHIGA

Pag nasa gitna ka pala ng something, unang nararamdaman ang kalma. Kita mo kase ang both sides. Kita mo ang parehong maganda at pangit. Parang kaya mong kontrolin ang sitwasyon. Pero hindi rin madaling magdecide. Kasi mas madami kang kinokonsidera. Mas madami kang nakikita kaya mas madaming kailangang isa-alang-alang.

Mas madali kayang ipaglaban ang isang side kapag walang alam sa kabilang side? Siguro, pero madaling mahanapan ng butas, ng kakulangan. Kapag alam mo naman ang dalawang side, kita mo ang lakas at hina, mahirap manindigan para sa isang side lang di ba? Kasi palagi mong irara-rationalize, titimbangin. Hanggang sa maisip mo na pinakamagandang puwesto sa gitna. Informed ka.

Pero pag informed ka na naman, hindi malayong maramdaman mong mas mataas ka sa ibang tao. Kasi feeling mo alam ang dalawang side. Madali mong mapintasan ang isang side, at madali mo ding mahanapan ng maganda ang isa.

Oops... Bakit ba dito napunta ang entry na ito? Gusto ko lang naman ishare ang pix na nasa gitna ng Kyoto at Shiga. Babalikan ko na lang ito.

Sunday, March 12, 2006

USJ conquered... again

Image hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket














Salamat at bumisita ang dalawa kong orgmates na taga-Tokyo, dahil kung hindi palagi ko na lang idadahilan ang katamaran sa hindi ko pagpunta sa Universal Studios Japan. Nakapunta na kasi ako dito, noong 2001, kabubukas pa lang niya iyon. At madami ng nagbago. Sobrang na-enjoy ko ang trip namin sa USJ. Ang saya ng mga rides. Kahit na ang waiting time ay 40minutes - 2hours! Inuna namin ang Jurassic Park ride, tapos yung Snoopy ride (para ka lang nasa slide sa Splash Island), nag-ET ride din, Back to the Future ride at ang bagong Spiderman ride, at Shreck 4D animation. Ang cute ng ET. Pambata. Panalo ang Spiderman, ang haba. Yung 4D animation, ghost yung pandak na prince at kinidnap ulit si fiona. Parang water ride din kasi nababasa kami. Pero nasa theather kami. Galing no?
Feel ko ulit na bata ako. Pero feel ko din na matanda na ako. Twenty years old yung mga kasama ko. At ako'y 26 na. Nararamdaman ko talaga na ang tanda ko na. Sinasabihan na ako nung mga orgmates ko na baka mahuli na ako sa biyahe. Aba! Kung sa ganung aspeto e bata pa ako. Wekekeke.

******************************

Nag-18 na yung bunso namin kahapon. Nung nag-18 din yung isa kong kapatid, nandito na ako. Weird. Dapat nandoon ako, pero nandito naman ako. Ganyan talaga siguro ang buhay.

******************************

Malapit na namang magstart ang semester. Mapupuno na naman ng kwentong school ang blog. Wala nga pala akong nagagawa para sa aking thesis. Kahit na ang dami ko ng hiniram na libro para basahin. Yung Chronicles of Narnia naman ang inuuna ko. Pag natapos na lang siguro yun.

Thursday, March 09, 2006

Huwag Manigarilyo

Grade 2 ako noon. Unang hithit ng sigarilyo. Pinabili ako sa tindahan, at ako na rin ang nagsindi. Naubo ako. Ang baho pa.

Highschool. Bumili ako ng isang stick ng hope. Eksperimento lang. Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay namin. Sinindihan ang stick. Ubo ulit. Tapos bigla ako tinawag sa baba para utusan. Naubos mag-isa ang sigarilyo.

College. Halos lahat yata dumadaan sa ganitong stage. Inaya ako ng blockmate. Tatlo kami. Iisang P.E. Habang binabaybay namin ang madamong daan papunta sa Vanguard. Sisindi muna kami. Share lang kami sa isang stick sa umpisa. Habang tumatagal, napapadami. Hindi naman kami naging adik sa usok. Paminsan-minsan lang naman. Pag nagkukwentuhan sa tambayan, kapag naglalakad sa sunken garden, kapag may fair o concert sa campus. Social smoker lang naman. Ni hindi ako bumibili ng sigarilyo ko. Hanggang hingi lang. Hithit-buga pa.

Nung dumating ako dito, smoker lahat ng kasama ko. Puno ng usok palagi ang karaoke box, ang baho ng damit namin pagkatapos mag-inuman o magsayawan. Hanggang hingi pa rin lang ako. Pero madami-dami na akong nahihingi.

Nagsi-uwian na yang mga kaibigan kong yan. At ang mga friends ko ngayon e clean living. Di na rin ako naninigarilyo. Hindi ko naman hinahanap. Alam ko naman na masama sa katawan, papangit, kukulubot ang balat, babaho hininga, pwedeng maging baog.

Kaya nabigla ako kagabi habang naglalakad pauwi kase hinanap ko. Wala akong kendi o tsokolate na pwede sanang pumalit sa urge. Una kong nakita ang vending machine ng sigarilyo.

Unang kahang binili ko. At huli.