Ang aking weekend
Maaga akong gumising nung sabado. Nasa skedyul ko ang paglalabas dahil matagal ding hindi umaraw dito sa Kyoto. Nakapagbreaksfast na ako at naisampay na rin ang mga damit pero wala pa rin SIYA. SIYA na maghahatid ng kasiyahan ko at sa aking mga kapatid (delayed nga lang para sa dalawa kong sisters). Habang hinihintay ko siya, binuksan ko ang tv. Wala namang magandang palabas. Bandang alas-diyes, may kumatok sa aking pinto...
"Sumimasen... Takyuubin desu..."
Inisip ko muna kung magsusuklay ako, titingin sa salamin kung may muta pa. Inisip kong hindi na. Ang importante, dumating na siya.
"Hai, chotto matte kudasai."
Hindi ko mapigilan na magbigay ng isang napakatamis na ngiti sa isang lalakeng noon ko lang nakita. Hindi ko na pinansin kung ano hitsura niya. Mas excited ako sa hawak niyang kahon. Mula sa amazon. Pagkatapos kung iabot ang pera, binigay naman niya sa akin ang kahon. Ngumiti na naman ako at nagpasalamat pagkatapos ay sinarado na ang pinto.
Kahit alam kong kulang na ako sa oras para sa mga requirements ko, isinantabi ko muna silang lahat. Matagal din akong nanabik sa pagdating ng araw na ito.
July 16, 2005, 10am. Dineliver sa aking munting bahay si Harry Potter at ang buong tropa.

At ngayon, pinaparusahan ako sa kawalang disiplina ko. May presentation ako mamaya. Wala pang preparation.
Kahit na. Ganyan talaga. Pagbigyan niyo na ako. =)

2 Comments:
Excited na excited ka talaga sa Harry Potter, pina-takkyubin pa. By the way, may bagong movie na. I saw the trailer while watching Fantastic Four this weekend. Isa pang aabangan sa iyo.
Nga pala, si Lolo ito. With my new blog. I just had the urge to blog again, after two years of silence. Yung dati kong blog sa freeonlinediary.com, deactivated na kasi.
Post a Comment
<< Home