Kwentong Bata
Iba talaga magpayabangan ang mga bata. Nangingiti-ngiti ang kahapon habang sakay ng jeep sa pakikinig sa dalawang batang nagkukwentuhan. Alam ko na ngayon ang mga bata ang inspirasyon para sa mga "wala ka sa lolo ko jokes".
SCENE 1 Padamihan ng alam
Bata A: (ngumunguya ng something)
Bata B: Ano yang kinakain mo?
Bata A: E di bubble gum. Hindi mo ba alam yung bubble gum?
(Tahimik muna si Bata B. Mukhang hindi nga niya alam)
Bata B: Yung baon ko masarap. Fudgee. Malaki. (O di ba? Pag wa ka ma-say, change subject tayo para bida ulit)
Bata A: (Tingin sa nanay, tameme din. Binulungan ang nanay) Meron din ako nun mommy di ba?
SCENE 2 Payamanan
Nagcologne si Bata A
Bata A: May cologne ako, kulay pink. (Kinuha kay mommy ang cologne at pinakita kay Bata B)
Bata B: Meron din ako niyan, kulay green. (Yes! Hindi naka-isa)
Bata A: Binili namin ito sa super-sale namin. (Aba, mayaman! May sariling super-sale)
Bata B: Kami din sa super-sale namin ito binili. (Dalawang magkaibang super-sale na!)
Bata A: Kami dun sa dulo namin ito binili. Malaki yung super-sale namin.
(Natahimik na naman si Bata B. Napagod yata)
SCENE 3 Paramihan ng experience
Bata B: Dati dumugo ang tenga ko, ang dami. Buti na lang napatigil ng mommy ko.
(Kung ako ang kausap nito, itatanong ko kung anong nangyari, bakit dumugo. Magiging worried ako.)
Bata A: (Mukhang wala pa siyang ganitong experience. Napaisip muna siya bago nagsalita) Bakit tumigil ang pagdugo?
(BWAHAHAHA! EVIL!!!)

1 Comments:
haha!Bakit tumigil?!he sounds dissappointed yata!Nakakatuwa ang mga bata,I luv children,they make me young at heart..
Ria,thanks for the email.
I`ll answer ASAP...
nice story...
gee
Post a Comment
<< Home