Thursday, September 01, 2005

Maagang Pagbati

September 1. Unang araw na ng -ber months. Unang araw na rin ng mahabang Christmas season para sa mga pinoy. Simula na ng countdown. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit Pasko parang ayaw mo nang paratingin. Mahirap nga naman kung pandesal o kesong puti lang ang handa sa Noche Buena di ba? Pero kahit sa gitna ng kahirapan, magagawan ng paraan yan. Pinoy pa!

May bumati na sa akin. Kaya babatiin ko na rin kayo ng isang Masaganang Pasko! Sa mga makakasama ang pamilya sa Pasko, swerte kayo. Sa mga Pinoy na wala sa Pinas, alalahanin ang mga mahal sa buhay at kayo ay malayo para na rin sa kanila. Sa mga uuwi sa Pinas sa Pasko, aba marami kayong pera ha! =)

Ako, malapit ng bumalik sa Japan. Pangatlong Pasko na malayo sa pamilya at mga kaibigan. Minsan naiisip ko kung bakit pa ako nagpapakalayo sa pamilya ko e napaka-family person ko. Pero andun naman agad ang sagot. Hehe. Kahit papaano may nabuo na rin naman akong family sa malayo.

Ayan, magsimula nang mag-ipon ha. Paalaala yan sa sarili ko. Ang dami ko na kasing inaanak.

Sa mga gusto naman akong regaluhan, email nyo lang ako ha at dun ko na lang ibibigay ang aking address. Kahit card lang. Waaah. Magmakaawa ba?!

Share the Christmas Spirit. At siyempre wag kalimutan kung bakit tayo nagsi-celebrate ng Pasko!

4 Comments:

At 4:41 AM, Blogger Jeruen said...

Ang aga mo diosa! Ipon time na naman...

 
At 8:15 PM, Anonymous Anonymous said...

hey,ria....

napaka-advance naman...
pero,totoo kailangan nang
mag-ipon.LOL

Malapit ka nang bumalik here??Welcome back....
ok,merry xmas...tell me your address later*wink*

gee

 
At 6:42 PM, Blogger Taga-Loob said...

Namiss ko tuloy ang Ling 150..=(

 
At 1:00 AM, Anonymous Anonymous said...

hi,ria!!

balik ka na ba rito??musta na sa pinas??wala bang bagong kwento??

cheers,gee

 

Post a Comment

<< Home