Tuesday, July 26, 2005

YES!

Pakisilip niyo naman ang aking sidebar-Mga Dapat Gawin section.

Opo. Finally!!! Pagkatapos kong isulat ang post na ito ay ihahatid ko na ang final two papers ko na mainit-init pa galing sa printer.

Hehe. Nakatapos din ako ng isang sem sa graduate program na nakapagpasa lahat ng requirements. Hehehe. Hindi tulad nung nasa UP pa ako, gamit na gamit sa akin ang Incomplete. Kahit nung nandito na ako sa Japan, meron pa din akong pending na tatlong term papers. Pero lumipas na ang one year grace period nun kaya malaman tumataginting na singko ang grade ko.

I'm sure hindi natuwa ang senior faculty namin. Pero ni-promise ko naman sa kanila na pagbalik ko sa departamento namin e meron naman akong maipagmamalaking maiuuwing degree para hindi masayang ang panahon (well, may nasayang na pala ako). Mas apt pala kung 'wala ng masayang na panahon'.

Kaya ayan. Natapos ko naman lahat ng requirements ko. Sana ok naman ang 12 units ko ngayong first sem.

Today marks the start of my summer vacation. Yehey! Yosh! Yatta! Ang mga plano?

1) Balak kong maghike dito. Kahit hindi muna sa Mt. Fuji. Meron malapit dito sa akin. Parang bundok sa likod ng isang temple? Nakalimutan ko na ang pangalan.
2) Basahin ulit ang HP6. Adik talaga. Idagdag na rin ang Chronicles of Narnia na sinuggest ng aking sister.
3) Maglakwatsa forever, i wish. Pero since may limits ang kabaitan ng Monbusho, punta lang sa mga matsuri (festivals), o sa hanabi taikai (fireworks display), magkaraoke freetime ng 12pm-6pm para mas mura, magdiscover ng bagong dancing place (may swing bar daw sa osaka), at bisitahin ang mga kapwa estudyante na nagpapakahirapap (?) mag-aral.
4) Lose pounds. Kahit siguro 3kls. lang. 55kls ako ngayon e. Maging kasukat ko kaya ang isang kabang bigas?
5) Manood ng sangkatutak na movies and animes.

Ang ganda no? Walang pressures. Malayo sa problema.

Kung hindi lang ako kinausap ng aking adviser nung exam day namin. Tinanong niya kung kelan ako magpapasa ng research proposal. Ang alam ko 3rd week pa ng September. Sabi niya aalis daw siya ng 2nd week ng August kaya kung meron daw akong maproduce before that, magconsult daw ako.

Siyempre, nagpasikat naman ako na ang plano ko for this summer e magbasa ng related literature. At kung matuloy man ang pag-uwi ko, ang preliminary date-gathering ay kasama sa aking schedule. Kaya malamang makapag-consult ako sa kanya before he leaves. Ang ganda ng ngiti ng lolo ko!

Pagkalabas ko ng klasrum, natangahan lang ako sa sarili ko. Pinaghalo-halong kayabangan, katangahan, at pagmamaganda ang umiral sa akin. Kaya ayan, dagdag sa masaya (na sana, kung hindi ako nag-feeling) plano ko for this summer:

6) Read literature para sa aking future thesis.
7) Magtingin na ng possible data na magagamit.

At since mag-aaral na rin lang ako, isasama ko na ito:

8) Mag-aral ng flash, adobe, dreamweaver, java etc. na magagamit para sa pagdevelop ng instructional materials.

So much for a relaxing vacation. f^_^;

2 Comments:

At 3:07 PM, Blogger Jeruen said...

Congratulations. Otsukaresama deshita.

Three weeks na lang for me dito sa Pinas. Excited. Nervous. At marami pang iba. Buti ka pa, medyo nakaka-abante na.

Help ulit. How can I make the font of "Read this too" katulad ng "Recent posts" at "Archives"?

 
At 8:28 AM, Blogger Erwin Rafael said...

congrats, lalabs. ngayon umuwi ka na rito at tulungan akong mag-check ng papel. :)

 

Post a Comment

<< Home