Wednesday, September 14, 2005

A Jologs Klasik(?)

Three nights ago, nanood kami ng isang play sa CCP. Ito ang R'meo luvs Dew-lhiett. Isa itong jologs adaptation ng classic na Romeo and Juliet. Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa at bumilib sa lahat ng involved sa play na ito. Medyo late na namin itong nalaman mula kay paolo kaya hindi na namin naulit(hindi tulad niya sa present yata sa lahat ng shows ngayong September). Sana maulit ito para mas madami pang makapanood. Kinuha ko kay paolo (ulit) itong dialogue mula sa play.

Dew-lhiett
Sheeet na malagkeeet!
Ay, Romeo, Romeo! Bakit ka pa naging Romeo?
Takwil mo na'ng pudra mo, kalimutan na pati apelyido;
O i-pramis mo lang na ako ang one and only,
Tatalikuran agad buong Capuletto family.

R'meo
(aparte.) Hihirit na ba o makikinig na lang quietly?

Dew-lhiett
Sa pangalan mo lang kami nakikipag-war.
Montesco or not, you are what you are.
Ano ba kasi ang Montesco?
Hindi naman yan kamay o paa o mukha o braso,
O kahit ano pang parte ng katawan ng tao.
Ay, maghanap ka nga ng ibang pangalan!
Ano ba'ng meron ang isang pangalan?
Ang rose, kahit ano pang itawag sa rose,
Alam mong hindi mag-aamoy gross.
Si Romeo, ganon din naman,
Name na Romeo kahit palitan,
perfect pa rin kahit walang pangalan.
Romeo, apelyido mo, kung chu-chugiin;
Buong katawan ko, reding-redi mag-give-in.

R'meo
I do, Juliet.

Dew-lhiett
Tangina, shet!

R'meo
Sagutin lang ako, papabinyag agad ngayon;
Dehins na ako si Romeo Montesco from now on.

Dew-lhiett
Who you kang gagong nagtatago sa dilim,
Nakikinig ka ba sa aking sweet nothing?

R'meo
Pangalan ko, dehins ko kayang sabihin
Babes, kahit ikaw, di mo 'to kakayanin.
Kung text lang 'to na natanggap,
Na-delete na sa inbox, asap.

Hindi lang ako sa play natuwa. Kundi pati sa mga nanood din. Lalo dun sa malapit sa amin. Natutulala dahil sa one million kissing scenes. Pero im sure kinikilig sila. Yung katabi ko naman walang ibang sinabi kundi "Ang guwapo ni Wowie (de Guzman)!!!".

3 Comments:

At 7:54 AM, Anonymous Anonymous said...

hahaha!!Enjoy ako!!!Eto na ba ang
modern Romeo and dhew-liett???
Nakakatuwa naman...Give me some tips
naman.if ever i can make it this winter,i also want to watch this kind of play!!!

gee

 
At 9:54 AM, Blogger Jeruen said...

Sino so Wowie de Guzman?

 
At 8:17 AM, Anonymous Anonymous said...

Don't hate me here. Ahehehehe!

 

Post a Comment

<< Home