Thursday, July 14, 2005

Naka-isang taon na din

Sa dami ng nangyayari sa mundo, nakalimutan ko na isang taon na rin ako sa blogging world! yehey! nakatagal ako ng isang taon... salamat sa mga bumibisita at nagbabasa ng sandamakmak kong hinaing sa buhay =).

unang entry ko nun ay ang pagkatanggap ko ng papers para sa pagpunta ko dito sa japan. ngayon, nandito na ako.

dahil sa blogging, nagkaroon ulit ako ng kontak sa mga elementary friends ko at at least bago ako lumayas ng pinas ay nakita ko sila. sana pagbalik ko magkita-kits ulet tayo.

dahil din sa blogging patuloy ang paglabo ng mata ko. waaah. aabot kaya ang grado ko ng 1000? ngayon nasa 700 na. una akong nagsalamin, 400. effective kaya ang pagpapa-laser? safe kaya? keri kaya ng bulsa ko? ng bulsa kaya ni paeng?

nagkaroon din ako ng interest sa computer. unti-untiin ko ang pag-aaral ng flash, paggawa ng templates (gelay hello!) at kung ano-ano pa sa computer para magamit ko pag bumalik na ako sa pagtuturo.

ayan. babalik ako sa pagtuturo. kaya naghihirap akong magpaka-MA dito. nagpapakahirap akong makatapos ng mga requirements ngayong sem. hindi kasi nila kilala ang INC dito. hirap ng sanay maging myembro ng INC club. aktuali, di naman mahirap. matrabaho lang. kayang-kaya. kayang-kayang itulog!

sa mga susunod na araw, linggo, buwan, at sana taon, pagpasensyahan niyo na ang mga post ko. ganito lang palagi yan =).

thank you fans!!!

2 Comments:

At 11:45 PM, Blogger Erwin Rafael said...

lalabs, huwag mo gamitin ang aking .tk na link. yung .blogspot na lang.

hehehe. may anniversary ka na naman. mwah!!! ang galing. :)

 
At 6:43 AM, Anonymous Anonymous said...

hapi anib! :D

 

Post a Comment

<< Home