Tuesday, August 09, 2005

Magkukuwento lang ako

Natapos din nung Friday ang aking intensive class about second language education and japanese language education. Hanggang dulo, walang patawad ang sensei para isiksik sa utak namin ang mga konseptong tinuturo niya. Ang last activity namin, bara-bara naming ginawa. Lahat kami sa group, hindi na makapag-isip. Ganoon pala ang nangyayari kapag siniksik ang apat na buwan na klase sa isang linggo. Natapos ang lecture session pero ang mga reports na kailangang isulat, hindi pa rin nasusulat.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Nung weekend naman, sumama ako sa summer camp ng isa NPO. Kasama namin mga bata, kalahati sa kanila half pinoy at mga volunteers naman students. Masaya dahil nagbilad kami sa araw para magharvest ng patatas, talong, kamatis, sili, beans na niluto namin for dinner. Yung mga bata excited. Kaso after five minutes kami na lang mga volunteers ang kumukuha ng tanim. After naman ng dinner, nagbonfire kami. Kami ng kasama kong dalawang pinoy ang nag-isip ng activity habang may bonfire. Nilaro namin yung hulugang-panyo at the boat is sinking. Nakakatuwang makita yung mga bata na nag-eenjoy. Pagkatapos ng game, nag-roast kami ng marshmallows. Tsalap tsalap. At naghanabi kami ng konti.

Kinabukasan naman, sa ilog kami namasyal. Naglaro sa tubig ang mga bata, tapos may nagfishing, tapos may suika-wari. Ang suika-wari ay parang basagang-palayok pero imbis na nakabitin na palayok, pakwan (suika) naman ang babasagin (wari) nila. Kawawang pakwan. Kawawa kami kasi kinain din namin iyon. Pero masaya. Post ako ng pix in a few days para may pruweba =)

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Kahapon naman, pumunta ako sa isang shelter ng mga asawang babae na nakaranas ng domestic violence. May bagong dating na pinay na kinailangan ng interpreter para malaman yung background niya. Ang hirap mag-interpret pag naiiyak. Habang nagkukwento ang nanay, umiiyak siya kaya naiiyak din ako. Grabe. Emotionally draining.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Kani-kanina lang galing ako sa travel agency. Bumili ako ng tiket pauwi. Magspend ako ng 1 month sa Pinas. Yehey! *KLAP*KLAP*KLAP* Bakasyon na hindi (pa rin). Maggather ako ng data. Susulat ako ng reports. At dahil sa aking katangahan pala, magkakaroon ako ng F sa isang summer class na hindi ko na papasukan dahil nga nasa Pinas ako. Keber. May care pala ako. Sana walang effect sa aking scholarship dito.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Isang linggo nang masakit ang beywang ko mag nagbi-bend. Kulang ba ako sa gatas? May osteoporosis na kaya ako?

5 Comments:

At 11:03 PM, Blogger JL said...

Hi!

I was kind of blog hopping from gelay's blog and saw your blog link there... I am located here in Kyoto, in Fushimi Inari. I saw your post about Wendy's and it reminds me of what I ate last Sunday there, it's actually my first time to see Wendy's here =) Anyway, let me know if you are still here around in Kyoto, I would like to meet friends here... na-assign nga pala ako dito last October 2004 and haven't seen filipinos since then...

regards,
joel

 
At 11:35 PM, Blogger Erwin Rafael said...

isang buwan.



:D

 
At 6:00 AM, Blogger Jeruen said...

Uy! Bakasyon!!!
(Pambihirang lolo ito, magsisimula pa lang ang klase, bakasyon na ang iniisip...)

 
At 10:56 AM, Blogger ria said...

Lolo, study=bakasyon. ienjoy! =)

paeng, isang buwan ;)

joel, hello! ang tagal mo ng walang kontak sa noypis a. nweis, imeil mo na lang ako riadiosa28@ezweb.ne.jp di ko kase maaccess profile mo e =)pupunta kami mamaya sa Uji river dahil may fireworks display. kung mabasa mo man ito, dont hesitate to send me a msg ok?

 
At 3:18 PM, Anonymous Anonymous said...

Hello, sensei. Kailan kayo uuwi? Sa inyo ko na lang ibibigay ang payment. (Sorry po at late na late na late na ito.)

Ingat sa biyahe.


-guia-

 

Post a Comment

<< Home