Nandito na ako!
Greetings from my humble home here in Caloocan City. I will be spending a month here. YAAAHUUUU!!! Dumating ako nung 18th. Sinalubong ako nina mama, papa, bunso at paeng. (Nag-uusap na ang papa ko at boyfriend ko, after 5 years!)
Nakakatuwa talaga mag-observe sa airport. Marami akong kasabay na mga nagtrabaho sa Japan. Ang papayat nila. Ang dami nilang bagahe. Yung isang nanay na nakasabay ko, apat ang dalang anak at ilang tonelada din ang bagahe. Paano naman kaya niya iyon dadalhin?
May isa namang naka-suit. Mukhang professional. Nawala lang yung postura niya dahil puro mura naman ang namumutawi sa bibig. "P*ta%&i^$a ang init." "Tang-i%a naman bakit taxi ang kinuha nila?!" Hehehe. Tatlong kahon at dalawang maleta at sangkatutak na maliliit na plastic bags ang dala nila.
Mayroon namang isang grupo ng Japanese. Kabataan. Sa pila pa lang for immigration, siyam-siyam na ang inabot. Hindi finil-apan ang form. Mega-explain naman yung mga officers. Wala man lang baong Ingles. Name at purpose of visit lang pala ang hinihingi.
Nung lalabas na ng gate naman, naka-witness ako ng isang krimen. Tsinitsek pa nila yung passport, at yung nakasabay ko na mag-asawa, isang pinay at hapon nasa 50's na siguro, e hiningian nung isang employee dun. Medyo makapal, nakarolyo yung atik. Hindi pa nakontento yung inabutan, tinanong pa kung iyon lang daw ba? Paano daw yung kasama niya? Nyek. Bat kaya hindi ako hiningian? Hindi naman ako mukhang poor!
Relax lang muna ako ngayon. Sa mga susunod na araw, kailangan ko nang gawin yung mga iniwan kong reports. Hehehe. Hindi na ako iniwan ng mga academic chorva ko!

3 Comments:
Hi,Ria
First time kong magcomment here.The last time,hindi pumasok,waah!
Mahigpit and blogger com mo?Anyway,I`m here at Ibaraki Pref and coincidentally,Malabon naman ako sa Pinas.Small world,di ba?Buti ka pa,time to relax na...
I`d like to ask you many questions sana if you have time pero medyo mahaba kung on line...
Goodluck and I`ll visit you again...
P.S....nakakatawa ang mga Pinoy,ano?here and abroad..,I can relate..
gee
hello gee. buti naman napadpad ka sa aking blog. dito ako ngayon sa pinas bakasyon. pwede mo ako iemail sa rparsram@gmail.com
i'll be glad to answer your questions kung kaya ko =)
Hi,Ria!
Thanx for the reply.
I sent you an email,medyo
nobela nga lang hehe.
Hope you have time to read and reply :-)
Almost everyday,umuulan daw dyan.Much better,unlike here na napakainit.Huwag lang babaha,ano?Sa Mal.,early in the morn.high-tide sa main road.Buti hindi naman pumapasok sa loob ng bahay.
Last week,there was an earthquake.Medyo malakas at matagal din dito sa Ibaraki Ken.How was Kyoto
then?So,ingat na lang...
Kampai,
gee
Post a Comment
<< Home