Ang pagtestify
Nang binasa ko ang article na ito sa INQ7, wala akong naintindihan. Sabi sa ibang news, magkakaroon ng Truth Commission. AO order pa daw para legislated, may kapangyarihan. Komisyon para alamin ang katotohan sa likod ng pagkakaupo ni GMA bilang presidente. Umiikot lahat kay GMA. Tapos sasabihin nila na "president might testify in truth commission"; "nothing will prevent her (GMA) from considering the possibility of her participating in it (truth commission)".
Kung si GMA ang puno't dulo ng pagkakabuo ng Truth Commission na iyan, dapat lang talaga na magparticipate siya doon di ba? Dapat magtestify siya. Dapat hindi na kinokonsidera ang pagkakaroon ng partisipasyon niya. 100% participant siya dun. Leading lady. Top-billing.
Bakit gumagamit ng mga salitang might at consider at possibility?
Dapat should, should, at should.
Dapat na should pa.
Mali ba ang pagkakaintindi ko?

1 Comments:
Ngayon lang ako uli napadpad dito :) Ililink kita ha!!
Post a Comment
<< Home