YATTA!
Hindi ko pa tapos ang mga dapat kong gawin, pero kanina may nagawa akong ikinatuwa ko talaga at talagang gusto kong ipagmalaki.
Dito sa Japan, pagbibisikleta ang pangunahing gamit ko kapag pumupunta sa eskwela o kaya ay naglalakwatsa. Maswerte ako at natuto akong magbike noong elementary, pagkatapos ng maraming semplang na hanggang ngayon ay may ebidensya pa rin sa mala-pal0-palo kong legs. Dahil sa pagbabike, nakakatipid ako sa pagsakay ng bus (220yen, regular na pamasahe).
Kaya lang, hindi ko keri ang kakaibang talento ng mga Hapon dito. Ang mga nanay, may sakay na anak sa harap at likod, ang mga estudyante, habang hawak ang mga cellphone, pwedeng may kausap o kaya ay nagte-text, walang problema. Nung nagsnow, meron pa ring mga nagbike (pero may nakita akong sumemplang, nabighani yata sa akin).
Ang hindi ko kinakaya e kahit anong lakas ng ulan, andyan pa rin ang mga estudyanteng nagmamadali pagpasok sa skul. Wala akong magawa kundi sumakay sa bus o kaya ay maglakad (30mins) kapag naulan dito.
Pero kanina, kakaibang umaga. Umuulan, hindi lang basta ambon. Kapag nagbus ako, late na naman ako sa klase, pag naglakad naman ako, basa na pantalon ko pagdating sa skul. Kaya naglakas-loob akong magbike ng nakapayong!
At umabot ako sa skul ng walang gasgas, at may karagdagang pride. May natuklasan na naman akong kaya kong gawin. YATTA!

3 Comments:
painom ka naman!
Ang mga nanay, may sakay na anak sa harap at likod, ang mga estudyante, habang hawak ang mga cellphone, pwedeng may kausap o kaya ay nagte-text, walang problema.
Ang galing naman ng kanilang mga biking skills! Di nga magawa ng mga Kano na mag-text while driving a car, eto at kaya nilang magtext while biking! Wow!
galing mo naman nakapayong habang nagbike. sana nagkapote ka na lang. natandaan ko tuloy nung bata pa ako at uso pa noon ang walkman. yabang ko pa mandin naka walkman habang nagba-bike. hawak ko sa isang kamay ang walkman at isa naman sa manibele. bigla akong napa-brake. ayun na out of balance dahil isang kamay lang ang nakahawak sa manibela. semplang ako. kaya ikaw ingat ka kung isa lang ang hawak sa manibela.
Post a Comment
<< Home