14 days
14 days before the semester ends. Yehey! Bakasyon na naman. Pero bago ang sarap, kailangang maghirap muna. Bakit kaya ganyan? Mas masarap ba talaga ang mga bagay-bagay kapag pinaghirapan? Hindi ba puwedeng sarap na lang forever and ever and everness? Boring...
Ang 14 days ng paghihirap ko ay nakasentro sa academic stuff. Kayang-kaya ko yan. Dahil kung hindi, patay-patay ako. Baka bigla akong ipadeport. Marami pa naman akong pangarap sa buhay ko dito. Tulad ng pagtry ng winter sports, pagbili ng game cube para makapagpraktis ng taiko at dance-dance rev, at pamamasyal. Mga importanteng bagay, na kailangang marealize dahil may benefits sa future ko (kung ano, pag-iisapan ko pa).
As of writing, meron pa akong 7 papel nga, dalawang exam, at isang website. Tungkol sa corpus linguistics ang apat. May data na ako, may topic, ang mga software ay nasa school. Ang mga words na bubuo ng sentences na magiging part ng paragraphs na pupuno sa mga bond papers ang hinihintay ko. Dalawang papers naman tungkol sa sociolinguistics. Isang topic ko ay tungkol sa mga SONA ni GMA. Yung isa, tungkol siguro sa silence. Hmmm, tahimik muna ako.
Yung natitirang isang papel ay for editing na lang. Malapit na iyon.
May exam ako mamaya at sa 21st. Hindi ako masyadong nagrereview. Hindi ko na kailangan. Mayabang ako e.
Yung website naman, ok na ang template. Nagawa ko na rin naman yung content. Kailangan lang ay pagsama-samahin ito para maging isang panalong site. Boring nga ito kase ang ginawa ko e yung required sa class. Hindi ko naitanong kung pwedeng tungkol sa wikang Hapon ang gawin kong exercises. Sayang.
Mukha bang I am on top of everything? Hmmm, sa totoo lang I am just on top of my futon.

1 Comments:
Kaya mo yan, ikaw pa...
GAMBARE!!!! FAY-TOOOOO!!!
hehe
Post a Comment
<< Home