Si Sayuri
Pinanood ko nung Martes ang Memoirs of a Geisha. Sayuri (in japanese ang site na ito) ang ginamit na title dito sa Japan. Sinabihan ako na hindi maganda ang rating ng movie sa www.rottentomatoes.com. Pero sabi ko naman, depende naman sa taste iyon. May mga pelikula akong nagustuhan na hindi naappreciate ng ibang friends. Kaya naman pinanood ko pa rin ang movie. Para malaman ko naman kung anong klaseng film ba ito.Hindi ko nabasa yung book. So walang basis for comparison.
Nang nakita ito sa blog ni popin naisip ko agad na panoorin ito. Crush ko kase si Zhang Ziyi. Na-weirduhan lang ako na isang story about Japanese culture na sinulat ng isang Western author, ay ginawang movie produced ng Hollywood at ang gaganap na bida e isang Chinese actress.
Simple lang yung story. Hindi ko na ikukwento dito. Yung art, ok lang lang. Hindi spectacular ang movie. Pero hindi ko naman nafeel na sayang yung pinambayad ko. Dahil nga siguro hindi ko naman nabasa yung book.
Mas naging ok siguro kung Japanese movie outfit ang nagproduce at Japanese artists ang gumanap. Tapos ang ginamit na language e Japanese na din, na nilagyan na lang nila ng subtitles. Para kasing ang daming nawala dun sa pagtransfer from one culture to another. Naging superficial.

2 Comments:
Sensei, nabasa ko iyong book noong 15-16 years old ako. Maganda iyong book. Wala akong masyadong expectations sa movie, di ko nga alam kung makakanood ako. Pero tama ka, mas maganda kung hapon na rin ang gumawa, tapos may subs na lang, tapos i-release sa Hollywood.
Gelay
yo Ria! naku, panu ba yan, baka madisappoint lang ako sa makikita ko. hehe. kasi nabasa ko ung book at A-ok sya for me. oo nga, tama ka jan. although hindi tama na i-wish mong hindi si Zhang ang bida. haha. joke! binabasa ko pa lang ung book year 2000, sinabi ko na sa sarili ko na si Ziyi ang dapat gumanap na Sayuri, the rest, bahala na si Batman. pero tama ka talaga na sana Japanese ppl na lng ang gumanap sa IBANG char. nabasa ko sa Time mag Memoirs issue na samu't saring nationality ang meron sa cast. haha. kaya sobrang kinailangan pa ng translator ng bawat character. tama ba namang paghaluin ang japanese, chinese, etc?! haha. ipagpray mo na maappreciate ko ang movie dahil kung hindi ay magpapakamatay ako. JOKE! :p
Post a Comment
<< Home