Sa pelikula lang...
Nanood kami nung isang araw ng isang Japanese film. Ima Ai ni Yukimasu ang title (translated: Be With You) Tungkol ito sa mag-ama na nahihirapan sa buhay nila kasi kakamatay lang ng nanay. Ang gusto kong ishare sa inyo e yung konspetong pagbabalik mula sa pagkamatay. Bago kasi namatay yung nanay, gumawa siya ng storybook para sa anak niya. Sabi dun sa book, babalik ang mga namatay kapag panahon na ng tag-ulan. Yung anak, umaasa. Yung tatay, iniisip na imposible iyon pero iniisip din niya paano pag nangyari nga iyon? At bumalik nga yung nanay, kaso hindi niya maalala kung sino siya. At hindi niya rin alam na bumalik lamang siya from the dead. Weird din kase hindi naman bumalik as multo. Tapos, pinaalala lang ng mag-ama yung buhay nila. At nung tatay kung paano yung labstory nila (daming kilig moments). Nagustuhan ko yung movie. At may twist pa sa huli. Hindi lang ako marunong magkwento e.
Kaya balik na lang tayo dun sa konsepto ng muling pagkabuhay. Paano nga kaya kung pwedeng mangyari iyon no? Babalik ang isang nagpaalam na kapag rainy season at aalis na pag natapos ito. May pagkakataon na mapadama mo ulit sa mga taong mahal mo na importante sila. Makapagpaalam ng maayos. May chance na gawin yung mga hindi mo nagawa. O planuhin ang mga bagay para kahit wala ka na, mangyayari pa rin.
At kapag ikaw ang naiwan, ganun din. Yung mga hindi mo nasabi o nagawa, pwede mong niyong gawing magkasama. Second chance. Para maipadama mo din kung gaano mo sila kamahal, gaano sila kaimportante sa buhay mo.
Pero hindi ganun ang buhay e. Kaya sori na lang tayo.

3 Comments:
hi,riaaaaaaaaa!
ganda ng ongaku mo..hehe
medyo tumambay ako ng konti hanggang matapos..
favorite ko rin kasi ang orange orange eh,pati na ang eldest daughter ko..
ty,
advance merry xmas!malapit na akong umuwi sa pinas yo spend my winter vacation...ok,I`ll b back later!!ingat!bye!
ghee
parang gusto kong mapanood yan, lalabs. mukhang nakakaiyak.
very interesting story. yan ang mga type kong pinapanood yung pagiisipin ka at tungkol sa life after death, ala "sixth sense". may english subtitles ba? sana makarating dito para mapanood ko.
Post a Comment
<< Home