Let it snow (3x)

Kagabi pa walang tigil ang pagsnow. Hindi na nakakatuwa. Malakas pa ang hangin. Kaya kahit anong payong ang gamitin e nagmumukha pa ring walking snowman ang mga naglalakad. Nakakatakot magbike. Pero meron pa ring mga matatapang (o kaya matindi ang pangangailangan). Walang choice kundi magbus. Pero ang bus hambagal. Mas mabilis pa kung maglalakad. Nakakatakot din kase may nadaanan kaming dalawang bus kanina na tumama sa sidewalk. Wala namang casualties. Nadulas lang siguro.
Dito sa school, nabago ang schedule ng 1st at 2nd period. Kaya naman yung mga estudyanteng maaga dumating, e nagpalipas muna sa paggawa ng mga snowman at pagbabatuhan ng snow.
How immature. Haha! Bittermelon ako at hindi makasali.

1 Comments:
Is that a rare occasion to snow in Kyoto?
Post a Comment
<< Home