Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko*
Late na ang entry ko. Ngayon lang kasi ako natigil dito sa bahay simula ng magstart ang bakasyon nung 23rd. Pumunta pa ako sa school ng araw na iyan kahit winter break na at holiday pa (birthday ng emperor). Pupunta pa dapat ako nung 24th sa school kaso sobrang busy. Tumulong na lang kami mag-ayos ng pagdadausan ng Christmas party sa church. Tapos nakapagshopping pa kami. Umattend ng mass nung gabi dahil yung paring pinoy ang nagcelebrate. Tapos, tuloy na sa kainan. Kainan, kantahan. May magic sing sa pinuntahan naming bahay. At hanggang alas tres kami dun, naggagambala ng mga kapitbahay.

Pag-uwi namin dito sa bahay, hindi pa kami natulog. Naghiwa muna kami ng apat na kilong manok para sa party. 6am na kami natapos, with matching sugat dahil puyat na antok na.
At sa party sa church, naglabasan na naman ng pinoy na hindi nakikita tuwing linggo. Lahat nakangiti, kahit alam mong mga puyat. Ang daming bata. At ang daming pagkain. Kahit malayo sa mga pamilya nila, may pamilya pa ring nabuo dito sa Kyoto. What is it with Christmas and Pinoys ba?
Hindi lang para sa mga Pinoy ang party. May mga friends din from all over the world. At may special guest pa! Hindi ko lang matanto kung siya ba si Santa Claus in Pope's dress o si Pope na suot ang damit ni Santa Claus?Lumipas na ang 25th. Tapos na ang Christmas dito sa Japan. Im sure sa Pinas hindi pa. Dito naman busy na ang mga tao, lalo na ang mga housewives sa paglilinis ng bahay para i-welcome ang bagong taon.
Ibang pagsalubong din dito. Punta sa tempre, magpatunog ng kampana. Walang paputok (malamig kasi). Walang ingay. Iba.
Well, pagkasama naman ang mga Pinoy, maingay. Pwede na rin yun.
Let's welcome the NEW YEAR with a bang!
----------------------
*isang kanta ng APO Hiking Society

0 Comments:
Post a Comment
<< Home