Nandito na...
...ang 2006.Akemashite Omedetou Gozaimasu. Yan ang batian dito. Ang akemashite ay isang form ng verb na AKU na ang ibig sabihin ay open, burst, unlock. Congratulations naman ang meaning ng dalawang sumunod na salita. Nang una ko itong marining, tinanong kung bakit nila kino-congratulate ang isa't-isa sa pagpasok ng bagong taon. Naisip ko lang na "Congratulations, buhay ka pa sa pag-open ng bagong taon, kahit sangdamakmak ang naging problema ng nakaraang taon. Congratulations at buhay ka pa para sa isang bagong simula." Hmmm, pwede.
Magbabalik-tanaw pa ba ako? Hindi na siguro. Basta, alam ko maraming nangyari at marami akong nagawa last year. Mas madami nga lang akong hindi nagawa o hindi nagawa ng tama. Pero okay lang. Masaya naman ako, sa tingin ko. At madami din naman akong napasaya, sa tingin ko pa rin.
Gagawa pa ba ako ng listahan ng mga resolusyon? Parang isang beses ko lang ginawa ito, hayskul pa ako nun. Hindi naging uso yan sa akin. Sa ngayon, alam ko na naman ang mga dapat kong baguhin, dapat gawin (bukod sa mga school requirements), dapat itama, dapat dagdagan, at dapat bawasan (tulad ng taba). At malamang sa hindi, madami pa akong matutuklasan na kakulangan ko na dapat punuan. Kahit na diyosa na kase ako, hindi pa rin ako perpekto. Kainis nga eh.
Wala akong definite na resolusyon pero mayroon akong mga wish.
Sana ay maging makabuluhan ang taong ito para sa ating lahat.
Sana kumonti na ang nagugutom.
Sana mas marami ang makapag-aral.
At sana, matapos ko yung pitong papel ko bago mag-January 25.

4 Comments:
sana maging totoo lahat ang wish mo. :D
ahahaha! mukha kang piloto ng Air 21!
galingan mo lang dyan sa mga papel mo. 7 lang ba? sisiw yan! kayang-kaya!
Bakit ba kasi kumuha ka ng 7 class? 7 papel tuloy... Feeling undergrad ka yata noong registration eh...
Hello!
Naunahan na pala ako ni KU sa comment pareho kasi nasa isip ko eh...
Anyways...MOtto, motto Gambatte Kudasai!!!
Post a Comment
<< Home