Monday, December 05, 2005

Yehey! Pilipinas!!!

Break muna ako mula sa paggawa ng power point presentation para sa aking report sa Wednesday (matigas talaga ulo ko no?) para batiin ang ating mahal na Pilipinas sa pagiging champion team sa katatapos na SEA Games. Yahuuu! Naalala ko pa yung 1991 SEAG na nangyari din sa atin. Ang ganda-ganda ng perfomance ng ating mga athletes kaso para kinapos yata sila ng lakas nung last day.

Pero nakaraan na iyon. At ang bago, PANALO TAYO!!! Mabuhay! Mabuhey! Mebuhey!

Sa ibang bagay naman, kanina habang naglalakad ako papunta sa school, parang nagsnow. Paunti-unti kasi, kaya hindi ako sigurado. Pero ang sigurado ako e ang lamig na nararamdaman ko kapag lumalabas ako.

Puuutteeeek! Ang lammmeeeg!!!

Wala yung favorite kong blanket. Naiwan sa pinas.

Ganyan talaga. Balik trabaho na muna ako. (Ayaw ko, pigilin niyo ako plis!!!!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home