Pinoys at UNICUL FESTIVAL
UNIted CULtures festival. Ayon sa page nila "We aim to create the place where people with various cultures give out themselves,and where connections and sympathy between people arise beyond languages and nationalities".
Nangyari ang pagkonek-konek kahapon, sa Kyoto University. Iba't-ibang nationalities. Kanya-kanyang pakitang-gilas, may mga sumayaw, tumugtog, kumanta, etc. Kanya-kanyang gimik, may flea market, may food stands, may balloons.
Sa happening na iyan kahapon, hindi papahuli ang mga pinoy siyempre, represented by the Kyoto Pag-asa Community. May bbq, lumpia, puto, adobo at ginataan. Hindi nawawalan ng ngiti sa magagandang mukha (kahit pagod at mainit) ng mga designated tinderas. Isa sa pinakamaingay na lugar kahapon (bukod sa sounds mula sa stage) ang mga tawanan at kantyawan ng mga pinoy.

Hindi naman pwede na kung saang gilid lang ang activities ng mga pinoy. Umekstra din kami sa stage ah. Hindi nawala ang appearance ng mga singers, na nagconcert (sayang lang wala akong pix). At dahil nga sa festival na ito, may bagong nabuong grupo. Ang mga dancing scholars na pinakitang hindi lang pag-aaral (nag-aaral ba talaga?!) ang kayang gawin. Versatile din kami. Kitang-kita ang talent namin sa paghawak ng skirt at sumbrero habang sumasayaw ng Subli.

Ayan, may idea na kayo kung saan napupunta ang mga "scholars" pagkatapos silang tustusan ng Ministry of Education. Hehehe...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home