And Fall semester starts...
Ramdam ko na ang change of season. Malamig na ang hangin, lalo na pag gabi. Isang pagkakamali yata ang desisyon kong kumuha ng 9 subjects ngayon semester. Samantalang ang mga kaklase ko, 5-6 subjects lang. Yung pinakamasipag namin, 6 lang daw. Idagdag pa dyan ang apat na TA classes ko. Ngayon ko lang na-realize na simula ngayon hanggang January 24, 6 days akong papasok sa skul. Tuwing Mondays, Wednesdays at Thursdays hanggang 9pm ang klase ko. Sabado ng 9am may klase pa ako. Waaaah.... たいへんかも。。。死んじゃうかも。。。
Feeling ko masamang combination ang lamig ng panahon at pagod ng isip at katawan... 15 weeks ito. Walang lusot kaya harapin na lang.
Ito ang mga subjects ko:
1)言語情報処理演習Ⅲ
Seminar in Language Information Processing III: Corpus Editing and Discourse Analysis)
2)言語研究調査方法演習Ⅰ:基礎統計処理
(Language Research Methodology I: Introduction to Statistics)
3)マルチメディア教材開発演習
(Seminar in Developing Multi-media Instructional Materials)
4)言語情報処理演習 II:情報検索システム
(Seminar in Language Information Processing II: Information Retrieval System)
5)言語コミュニケーション学III:言語政策と言語計画
(Studies in Language and Communication III:Language Policy and Language Planning)
6)言語情報学III:言語教育とコーパス利用
(Studies in Langauge Information Science III: Corpus for Langauge Education)
7)英語コミュニケーション演習Ⅳ
(Seminar in English Communication)
8)言語コミュニケーション学II:語用論と談話分析
(Studies in Language Communication: Language Usage and Conversation Analysis)
9)異文化間コミュニケーション論I
(Theory of Intercultural Communication)
Subjects 1-4 are conducted in Japanese, the rest are in English. Mag-aaral ako ng statistics in Japanese.
About my grades last spring semester, meron akong isang B. Huhuhu. Japanese Academic Writing. Huhuhu ulit. Parang bagsak na pala yun. Pero di bale apat naman yung A+ ko at isang A. Naks magyabang ba?! Paminsan-minsan lang naman...

6 Comments:
Akala ko ba natuto ka na sa haggard mong summer? Bakit parang pinakyaw mo na ata ang lahat ng kurso na pwedeng i-take. :) Pero sa tingin ko, the best yang ginawa mo. Walang kasing ganda ang pagsabay ng winter at maraming gawain. Hindi ka mabobore at palagi ka rin on your feet. Isa rin syang paraan para hindi mo maisip ang kalungkutang dala ng malamig na panahon at kalayuan sa bayan. Kaya, suportado kita 'day! Congrats nga pala sa pag-ulan ng A at A+ sa buhay mo. Pabayaan mo na yung B. Makakabawi ka rin.
Diosa,
Nasa sociolinguistics track ka ba? Napansin ko lang, kasi maraming parang applied linguistics subjects ang kinukuha mo yata.
LIW
hay,naku,ria...
nahilo ako sa mga subjects mo...
gosh,ok ka lang??
Pero dapat,balance,para out of stress
*wink*
ingatss,
ghee
gee: hi! ayaw ko mang aminin, pero enjoy akong mag-aral (that was the nerd in me) =)
LIW: yung dept ko kase is inot applied. yung adviser ko socioling ang area, pero enjoy ako sa corpus linguistics =)
fiey, sinabi mo friend. inaalala ko lang yung saturday class ko na umaga. pag december na... mahirap ng humiwalay sa kama =)
waaaah! don't tell me nasa Japan ka na?? kakatext lang namin nina Gael at Annie with each other eh.. :c sabi ko pa kay Annie andito ka sa Pi..
Walang konek sa entry, pero para di ka na mag-antay ng late telecast ng HachiKuro, i-dl mo na lang yung episodes. Fansubs to, BTW, saka dapat may BitTorrent ka. :O)
http://animesuki.com/series.php/609.html
Post a Comment
<< Home