Ang Parada sa Osaka
Pumarada ang beauty ko kasama ng iba pang Pilipino nung Sunday, Oct. 9, mula dito sa Kansai area para magparticipate sa yearly Midosuji Parade. Isa itong parada na ginaganap every 2nd sunday ng October bilang part ng "Osaka 21st Century Plan". Yang plan na iyan ay para gawing cosmopolitan at cultural city daw ang Osaka. Ang daming participants. Kaya nga lang since part kami ng Philippine group, e hindi namin na-enjoy ang buong parada.
Ang theme ng Philippine float ay Maskara Festival.

Nag-import pa ang consulate natin ng mga taga-Bacolod complete with costumes para sumali sa parada. (Naisip naman ng aking Ilocano self na, ang gastos naman!) Pero okay pa din, at least hindi mukhang malungkot yung Philippine group. Lumabas ang pagiging artista, basta may kamera ngiti. Pag may reporter o nagvivideo, hihiyaw! Umaasa yata kaming lahat na makikita ang aming mga mukha sa TV. Aba, pag nagkataon ang TV debut namin, sa international scene agad.
Nakakatuwa din kase nakita namin dun yung mga Japanese friends namin na nag-aral sa Pinas for a year. Isang taon din kaming hindi nagkita. Yung picture sa baba, kasama ang dalawang Japanese friends namin. Anim lang kaming representative ng Kyoto Pag-asa Community. (Yung isa siya nagkuha ng picture.) Nakikitaan ba kami ng pag-asa?

Pero hindi ko pala tinapos yung parada. Hindi ako naglakad ng 2 miles papuntang Namba. Isang milya lang ang nilakad ko para bumalik sa Yodobashi, isang appliance/electronics center para bilhin ang aking laptop. Yehey! May laptop na ako. In one month may internet na ako sa bahay. Yahoo! Makakapagdownload na ako ng sangkatutak na anime. Hindi na ako mag-aaral.

2 Comments:
recently ko lang na discover itong site mo. pero enjoy ako sa pagbabasa. miss ko rin kasi ang japan. nakapunta ako diyan nung 91 as part of the the Asian-Japan friendship programme. sarap jan. nakapasyal ako sa tokyo, kyoto at sa kyushu. kung may pera nga lang gusto ko ulit mamasyal jan.
anyway, kudos to our consulate there for that nice float and to all our kababayans who joined the parade.
Ka Uro, salamat! dito ako sa kyoto based. sana nga makapasyal ka ulit =)
Post a Comment
<< Home