Japanese and Baseball
Baseball na daw ang pinakasikat na sports dito sa Japan (paano na yung Sumo?). Kaya naman, parang basketball sa atin, e all-out ang suporta ng mga tao sa kani-kanilang teams. May iba't-ibang teams ang nagrerepresent ng bawat regions. Dalawa lang ang natatandaan ko ngayon, sa Kanto region (kung nasaan ang Tokyo), sikat ang Yomiuri Giants. Dito naman sa aking mahal na Kansai area (Kyoto, Osaka, Kobe), walang tatalo (kahit mahaba ang losing history) sa Hanshin Tigers. Pag nagkaharap iyan sa stadium, aba parang Alaska at Ginebra ang laro (lumaki akong Ginebra fan).
Last week, nanalo sa Central league ang Hanshin Tigers. Yung teacher ko nga sa klase ko ng 7:40-9:10pm nung Thursday last week e nagmamadaling umuwi. Ang RASON: manonood siya ng baseball game.
Kinabukasan, Friday, wala ng pinalabas sa tv kung hindi ang makasaysayang pagkapanalo ng Hanshin Tigers. Matagal-tagal na nga kase. Kaya naman bilang celebration ng fans, may mga tumalon sa river (narinig ko lang ito) at sangkatutak ang sale kahit saan. Sa isang convenience store, yung karaage nila normally 205yen, simula nung friday, 55yen na lang. Marami ding mga appliance centers ang nagsale. Yung Japanese friend ko, nakabili ng DVD player with speaker worth 7000yen. Mura na talaga iyon. Kaya kahit hindi naman siya fan ng Hanshin Tigers e laking pasalamat niya. Yung isang camera (pang-professional) originally priced ng 109,000yen pero naka-sale, 49,000yen. All-out diba?
Akala niyo yun lang? Para sa mga karaoke fanatics na katulad ko, hindi magkamayaw ang tuwa dahil naka-sale din sila. Half-priced on everything; room, food, drinks. May student discount pa yan ha! Kaya naman, im off to karaoke one of these days before the sale ends.
Kahit ang 18-units ko,
hindi ako mapipigilan
pag karaoke na ang usapan.

3 Comments:
good post,ria hahahaha...
sarap sa kansai ngayon,no?
sale lahat...alam mo,masyadong solid ang mga fans jan sa inyo at kita mo?two yrs ago,totoong maraming tumalon sa river...
ung iba,sadya,ung iba tinulak..
u know what happened?Tinaasan at binakuran ung paligid ng river..buti nalang..kung hindi,malamang marami ang nalunod ngayon..hehehee
mahilig ka pala sa karaoke,me to..
sana next time we can get along together ano?
ingatss,gurl,
ghee
sensei! tapos na po lingg 110 ko kay laay-sensei! pamatay siya mag-exam ng 110! T_T*iyak ng kahirapan*
oo nga pala, hindi ako gaano relate kase sa baseball. mas feel ko kasi ang football na sport ng hapon eh. :D tsaka yun lang yung nilalaro kong sport. hindi ko pa nga alam magbasketball eh.:P
pero ang sarap ng nasa isang lugar na fanatic sila sa team nila. nothing beats the high spirits people feel when their team wins. Pwede po ba alamin ninyo yung team ng Saitama? Province (kuno) ko po kasi iyon eh. :D~sam
hi,ria..thanks for the email,ha?sorry,hindi ko masagot,masyadong bz...samantalahin mo na ang sale sa ngayon...did u be able 2 buy a loptap na??
ok,mata ne..itsumo kiotsukete kudasai..
ghee
Post a Comment
<< Home