Wednesday, October 19, 2005

Long-distance

Image hosted by Photobucket.comAnim na taon na kami ng boyfriend ko. Tatlong beses naming sinelebreyt iyon ng magkahiwalay. Sa mga kaibigan namin, sa mga naging estudyante ko, sa mga naging estudyante niya, isa kaming "modelo". Parang overrated, sa totoo lang.

Hindi madali ang long-distance relationship. Kahit may tawag, may email, may chat, iba pa rin siyempre yung nakikita mo yung tao. Yung alam mong nandyan lang siya malapit, physically. Isang tawag mo lang, magkikita na kayo sa SM o sa UP in two hours. Yung pwede kayong manood ng tv habang magkausap sa telepono. Yung itetext mo na magrereply agad (kahit walang load). Yung manonood ng sine at magpapakabusog na parang wala ng bukas. Yung magbibilyar kasama ang iba pang kaibigan at aabutin ng dis-oras ng gabi dahil sa mga may kwenta at walang kwentang bagay.

Sa totoo lang, mahirap ang malayo. Lalo na sa ganitong edad. Hindi dahil sa feeling ko matanda na ako. Dahil sa paligid ko, may kinakasal at may nagbubuntis at nanganganak na mga kaibigan. Ang palaging tanong, kelan kami? Hindi din naman ako napi-pressure. Pero siyempre, nag-iisip na rin ako. Nung wala pa akong boyfriend (si paeng pala ang first bf ko), may mga taning ako sa sarili ko, tulad ng: dapat magka-bf ako bago mag-20 (nangyari ito); by age of 24 dapat may wedding ring na ako; by 30 dapat may dalawa na akong anak; at by 40 apat na lahat ng chikitings ko.

Ngayon, 25 na ako, in four months madadagdagan na naman ng isang taon. Nandito ako sa Japan. Para magkaroon ng academic growth. Si paeng, nasa pinas (na malamang lumabas din for academic growth) tinuturo lahat ng pwede niyang ituro sa loob at labas ng klasrum. May kanya-kanya kaming career, may kanya-kanyang gustong gawin. Ayaw naman naming parehong mag-impose sa bawat isa.

Kaya naman malamang, hahaba pa itong long-distance situation namin.

Parang ang lungkot ba? Dapat nagsasaya kasi umabot na kami ng anim na taon.

Sa totoo lang, masaya naman ako.

6 Comments:

At 7:22 PM, Anonymous Anonymous said...

lupet ng relasyon ah

 
At 11:35 PM, Anonymous Anonymous said...

Hanep idol ko kayo! :P

 
At 12:00 AM, Anonymous Anonymous said...

I hate you both. =)

Congrats!

Mahirap ang malayo, pero mas mahirap ang malabo.

 
At 2:07 PM, Anonymous Anonymous said...

hi,ria....it sbeen along time..tagal nyo na pala n bf mo?
so,when`s the wedding?
cute nyo naman...ok,goodluck,ha?

sana goal in naman ang susunod na post mo..hehehe

ganbatte ne,
ghee

 
At 9:37 AM, Anonymous Anonymous said...

Hi diosa4ever,

Hmmmm.... I only wish you guys happiness and emotional growth despite the distance that physically separates you love birds. Love knows no distance...I believe na basta nasusulat, tuloy yan!

GOD Bless!
-Jack

 
At 9:38 PM, Blogger Wanderer Lady said...

nakakalungkot naman. :( pero, lilipas din yan. magsasama rin kayo, hopefully. :)

happy anniversary.

 

Post a Comment

<< Home