Monday, July 04, 2005

Reklamo lang

July na! Start ng second half ng taon. Gusto ko lang i-congratulate ang aking mga friends na nagbitiw na ng mga salitang "I do", sa aking elementary friend na si aggie at sa aking sempai na si ate beth. Kung ano man ang meron kayo ngayon na naglead para pasukin ang pag-aasawa e di sana mawala. Tuloy-tuloy na ligaya para sa inyo!

-----------------

Wala akong mai-blog. Ilang linggo na akong seryoso nagka-cram para sa mga requirements ko. July na. Pagkatapos ng buwan na ito, tapos na rin ang semester. Stuck ako sa harap ng computer palagi. Humiram na nga ako ng laptop. Pagkagising ko yun na agad inaatupag ko. Punta ako sa skul, sa computer room pa rin ako nagbababad. Pag-uwi ko, (habang nanonood ng tv) tina-try ko pang may mapiga sa utak ko. I'm tired. Bihira na akong magkaraoke. Ang dami pa namang bagong jpop songs ngayon na gusto kong kantahin. Matagal na rin akong walang alcohol intake. Hindi naman ako lasenggera pero... Hindi ko na rin matandaan kung kelan ako huling nagdisco.

Matapos lang ang July, party animal na naman ako.

Wish ko lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home