Wednesday, January 25, 2006

Natapos din

Wala na munang problema sa mga papel hanggang february. Buti naman. Napagod talaga ako. Kahapon, pagod na ako at nagpapanic na rin, sumabay pa ang lungkot at tinawag pa ang frustration. Bigla na lang dumadating ng walang pasabi. Mga pinakaayaw kong klaseng bisita sa lahat ang ganyan. Pero kelan mo nga naman iimbitahan ang mga ganitong feelings di ba?

*******

Manonood dapat ako ng Chronicles of Narnia ngayon, kaso March 4 pa ang showing dito. Parang ang layo namin tuloy sa sibilisasyon. Basahin ko muna siguro yung libro.

*******

Dalawang linggo na akong natutulog ng madaling araw. Nung umpisa, akala ko epekto ng kape. Pero nitong nakaraang linggo, kahit anong pilit kong tulog, hindi ako dinadalaw ng antok. Eto ba ang insomnia?

*******

Pupunta ako ng Tokyo sa weekend. Raket. At guguluhin ko ang mga kapwa ko diosa doon. Matagal din akong naburo dito sa Kyoto.

*******

At last, bakasyon na. Pero wala akong sigla para mag-yehey. Bukas na lang siguro. Itutulog ko muna ito. Sana makatulog ako.

1 Comments:

At 6:13 AM, Blogger Ka Uro said...

ganun pa rin ba jan, yung mga english movies naka-dub ng nihonggo? tandaan ko kasi noong pumunta kami noon jan, palabas ang Terminator, si arnold naghahapon. medyo parang weird pakinggan. eniwey, musta na lang sa ibang diosa sa tokyo.

 

Post a Comment

<< Home