Thursday, January 19, 2006

Esep-esep lang...

Five days bago ang deadline ko. Hindi na ako natuto na magsimula ng mga bagay ng maaga para hindi ako naghahabol. Ewan ko ba. Hindi na ako nagrereklamo. Ganito talaga. Kahit isang libong beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi na dapat nauulit ang ganitong sitwasyon kung saan nawiwindang ako dahil din sa mga gawa ko, hindi ko maturuan ang sarili ko.

Ang laki motivation talaga ng deadline. Kaya eto ako ngayon, nagsusulat ng apat na paper ng sabay-sabay. Naloka ang housemate ko ng sinabi kong wala pa akong natatapos pero apat na nasimulan ko. Bakit daw hindi ako magconcentrate muna sa isang papel para may matapos ako.
Nyek. E di ako naman ang naloka nun. Hindi ko kaya ang nagko-concentrate sa isang bagay. Sayang naman kung may naisip ako na hindi related sa ginagawa ko. Sayang yung moment.

Kaya kailangang maraming ginagawa. Para madaming natatapos di ba?

At sa totoo lang, masarap yung feeling na may nagagawa at natatapos ka kahit gipit sa oras.

Nabibilib ka sa sarili mo.

******************************
Para sa mga taong gumagawa ng mural tag, sana may i-tag din kayong iba para naman hindi magstop di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home