3 Things you still don't know about me
I've been tagged by Ka Uro. Dumadami ang web friends ko! Ang saya!
Mga bagay na di nyo pa alam:
1) I am attached to mosquito nets. Hindi para hindi ako makagat ng lamot. Pinupulupot ko iyan sa katawan ko. I like the feeling na kinukuskos siya sa katawan. Yung magaspang at makati. At hindi confined ang kulambo sa bedroom o kama. Nakapulupot yan sa akin. Habang nanonood ng tv, kahit masy bisita sa bahay, nakalabas ang kulambo namin. Kasama ko rin iyan kung may mahabang biyahe kami. Nakalimutan ko last year na magdala ng kulambo dito sa Japan, dahil umaasa ako na kaya kong mabuhay without it. After a few weeks, nakiusap ako sa nanay ko na padalhan ako. Ewan ko, parang security
2) I was once an Ambassador... of Goodwill for Culture and the Arts, along with the other Kontra-Gapi 2000 Touring Group. We were named as such by former UP president (Pareng) Dodong Nemenzo. Hindi lang si Gary V. ang total performer, pati kami ganun ang drama. I was a musician (taga-hataw ng gongs, taga-tugtog ng flute gamit ang ilong), dancer (maskota, ati-atihan, etc.) at
3) We had a "pig business" when I was in highschool. Bumibili ng baboy sina mama at saka kakatayin sa bahay at ibebenta. Kaya tuwing sunday, fresh meat (?) ang iniihaw namin. Naglilitson din kami ng ulo, minsan walang bumibili o kaya pag special day hindi binibenta. Eniweys, that was the time na malakas ang pasok ng pera sa amin. Ako ang treasurer. Ako ang nag-aacount kita for the day. Noon ko natutunang magkupit. Nung umpisa, maliit lang. 50 pesos. Hanggang sa naging malakas ang loob ko. 100... 200. Lumakas pa ang loob ko, 500... 1000. Nakikita ng kapatid ko pero never akong binuking. Kase yung kupit ko ang pinambili namin ng mga libro namin. Nung nasa States lang ako nalaman ng nanay ko na sa kanya rin galing ang pinambili ng mga libro (Sweet Valley High, Twins, Kids, University, Love Stories, etc.). Thank you mommy! =)
Next, i-tag ko naman sina Elsie, Sam, at Guia. Mga naging students ko nung sem bago ako umalis ng pinas. Para mapilitan silang mag-update ng blog. Hehehe.

1 Comments:
Kulambo? ibang klase ka miss diosa? ngayon lang ako nakarining ng ganyan klaseng attachment. subukan mong mag-katol baka mawala attachment mo sa kulambo. kurneh!
Post a Comment
<< Home