Lumung-lumo
Katatapos lang ng aking "pagtuturo" ng isang English class (opo, nagtuturo ako ng ingles, walang aangal) para tulungan silang maging prepared sa isang summit na gaganapin dito sa Japan bandang November. Hindi pa ako nakakaattend ng isang summit, pero nababahala ako kung kakayanin ba ng mga highschool students na tinuturuan namin ngayon na makipag-debate or kung ano man ang ginagawa sa summit gamit ang wikang Ingles. Manggaling daw sa iba't-ibang bansa ang mga students. Naaalala ko nung highschool ako, may mga kaklase na akong kinabibiliban dahil talagang alam nila kung paano gamitin ang Ingles. Kung iko-compare ko yun sa level ng mga tinuturuan namin ngayon, e mahabang paglalakbay ang aming kinakaharap... Sana nga may mai-contribute kami. Sana rin manggaling sa mga student yung drive o eagerness para matutong magpahayag gamit ang Ingles.
----------------------------------
Halu-halong emosyon din ang nararamdaman ko sa mga nababasa ko ngayon. Ano na kayang mangyayari sa Pinas. May mangyayari nga ba?
----------------------------------
May malaking problema ang isa kong kaibigang dito. Financial. Hindi ko alam kung paano makakatulong. Wala rin naman kase akong "finances".
---------------------------------
Wala ng bacon mushroom melt sa Wendy's dito. Takam na takam pa naman ako kanina. Nung March pa daw nila tinanggal sa menu nila. Sa lahat ng Wendy's kaya wala na? O dito lang sa Kyoto? Meron pa kaya sa Pinas? Special pa ang unang pagkain ko niyan. Libre ni Paeng. Nakatago pa rin hanggang ngayon (sana, kung hindi pa nagtatapon si Mama) yung carved-out name na galing sa pinaglagyan ng burger. Hikbi...

3 Comments:
matagal na akong di nag-Bacon Mushrom Melt ah. :(
You teach English? Oh,goody! I hope you will be able to help those Japanese students excel! Keep on going,enjoy your stay here and make the most out of it,kei..
take care always..sachiko :)
Haha. cge2, titingnan ko dito kung may bacon mushroom melt pa ba sa wendy's. charap!!! bigyan mo na lang ng raket friend mo. hehe.
Post a Comment
<< Home