Thursday, June 16, 2005

asan ang romance?

napanood ko sa TV kagabi na sa original na story ni snow white, hindi ang halik ng prinsipe ang nakapagpagising sa kanya.

nung kinain daw kase ni snow white yung apple na may lason at hinimatay siya, binitbit siya ng prinsipe at nung mga dwarves habang sila ay naglalakbay. e napagod daw si prince at sa inis, tinuhod si snow white mula sa likod, nung nagjerk yung katawan ni snow white, lumabas yung apple na may lason kaya nagising sya.

at nung nagising, nagpakasal sila.

how sweet no?

2 Comments:

At 1:22 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang alam ko pong istorya ay nung buhat-buhat na ng mga tauhan ng prinsipe ang kristal na kabaong ni Snow White ay natabig sila at nauga ang kabaong. Na-dislodge naman sa lalamunan ni Snow White ang mansanas, kaya nakahinga siyang muli.

Kung susuriin, masyadong na-sanitize ang fairy tales ngayon para sa mga bata. Kung tutuusin, medyo malayo sa orihinal na kwento ang mga fairy tale na kinagigiliwan natin ngayon.

-guia-

 
At 10:31 AM, Anonymous Anonymous said...

ayon naman sa cw class ko, may kasamang sex at violence daw ang mga grimm fairy tales. ginawa lang pambata ng disney.

gayahin ko kaya yung prince? mananadyak ako ng tao para may magkakras sakin. :D hehe...

 

Post a Comment

<< Home