Thursday, June 02, 2005

"COOL BIZ"

Nakakita na ba kayo ng isang common na empleado dito sa Japan? Iisa lang ang suot nila. Naka-powersuit yan forever. Hindi mo tuloy alam kung bisor ba ang isang empleado o taga-ayos lang ng mga files.

Okay sana ang "uniform" e. Kung winter. Aba e June na. Start na ng summer. Pamatay din ang summer dito. Umaabot din ng 90F ang temperature. Ang lagkit ng feeling. Imagine na lang natin ang paghihirap ng mga nakasuit. Nagtitiis ang mga tao mula June hanggang sa September sa pagpapawis ng kanilang mga katawan sa loob ng suit and tie.

Kasabay ng pagdating ng summer ang pagtaas ng energy consumption ng Japan. Tumataas din ang production ng ozone-depleting gases. Na dapat sila ang nangunguna sa pagreduce ng mga gases na yan. Dahil sa Kyoto Protocol.

Kaya naman, simula kahapon, ini-encourage ni Prime Minister Koizumi na maghubad na ang mga empleado. Hindi all-out ha. Tanggalin ang jacket, tanggalin ang tie, at buksan ang mga butones. Para naman "cool" ang dating. Lalo na at mainit naman talaga. Maaliwalas na (ng konti) ang pakiramdam, makakatulong pa pagsave ng environment.

At para ma-engganyo ang mga lalaking empleado sa bagong fashion na ito, magkakaroon pa ng fashion show para ipakita ang mga bagong designs ng businesswear, minus the suit and tie.

Kayanin kaya ng mga Hapon ang pagbabagong ito?

Image hosted by Photobucket.com
The usual attire of a Japanese employee, may it be winter, spring, summer or fall.

Image hosted by Photobucket.com
Prime Minister Koizumi showing off his new summer fashion.

Baka may makita na lang akong nagsusuot ng Roco fashion. Flowers and all (basta wag lang flowers na nakaipit sa tenga =). Well, hindi malabong mangyari.

1 Comments:

At 11:30 PM, Anonymous Anonymous said...

what a timely post,ria. i saw it in the news also. there was once a prime minister ( i think it was Hata) who had tailored made short sleeve suits,pero hindi nag boom.
how are you?

 

Post a Comment

<< Home