Tuesday, August 10, 2004

KAMISAMA MOU SUKOSHI DAKE...

(Lord, kahit konti pa...)

free translation yung subtitle ha. yung english translation ay 'God please give me more time'. eto na yung kwento ng dramang pinanood ko. sobrang pinaluha ako nito. di ko alam kung nakakaiyak ba talaga sya o iyakin lang ako...
ganito ang drama. may isang teenager (MASAKI) na may gustong-gusto na composer. sobrang sikat nitong composer (KEIGO) at sobrang yabang din, feeling great talaga...nagkaroon ng chance na mapanood ng ating bidang babae ang concert ng kanyang sinasambang composer, kaso nawala nya yung tiket at nagkaroon pa ng isang incident kung saan nadamay yung pera ng kanyang friend. so kinailangan niyang HUMADA para mabawi iyon. parang escort service na mayroon siyang sinamahang salary man (tawag sa mga lalaking employee) na hindi gwapo, as in, at babayaran siya dun sa date. eh gusto pa ng lalaki na mag-one night stand. nainsulto si girl. walk-out. habol yung pathetic na salary man. nagpakaawa effect. tumalab. sama ang bida... hindi pa nagpabayad dahil naawa nga (tanga diba?) pero nag-iwan pa rin si guy...
nakapanood ng concert ang bidang babae. palaging lumalabas ang composer sa dulo ng concert. laglag panty ng bida... pauwi na yung bidang girl at isang friend. umuulan at nasa taxi sila. pagdating sa isang stoplight, kita nila yung sasakyan ng composer. kilig si bidang babae. may gimik ang lola mo! labas ng taxi. takbo to the max, kahit na its raining cats and dogs, naka-skirt sya at high heels... napansin sya ngayon ng composer pero deadma din. green light takbo ang kotse, tuloy sa pagtakbo ang girlalu. habol nya yung car ni papa composer. syempre hindi kineri. eh may nadaanan silang stoplight ulet. nahabol nagyon kaso hindi naman pumunta sa car, umakyat sa overpass. katapat yung car ni composer may binuklat syang banner...
I LOVE YOU KEIGO!!!
but still deadma ang guy... durog ang puso, pahiya si girl, basa pa siya... naglakad pauwi... huminto sa isang vending machine... maglalagay na sana ng coins para sa isang mainit na kape kaso may bastos na mga kamay na nauna!!! hindi makapaniwala si masaki, kamay ni keigo, binigyan pa siya ng kape...
dun pa lang nainlab na ako...
imbes na maging gentleman at iuwi si masami sa kanila, sa bahay nya inuwi... FIGHT SCENE (wala lang pala)at yun... eto ang hindi ko kineri... nagka-HIV virus si masaki. akala nya galing kay keigo. but no, galing dun sa... YES! KORAK! kay mr. salary man... hindi naman niya nahawaan si dream boy.
well, kasama sa story yung struggle ng family sa pag-cope ng ganyang crisis... madrama din yun...
pero syempre, katulad ng mga drama dito sa atin... happy ending, in a way... namatay si masaki sa araw ng kasal nila ni keigo... nagkaroon sila ng baby na hindi na-infect ng virus... WINNER da vah?!?! panget lang ako magkwento... nahiram ko lang yung dvd sa aking gakusei... tapos hindi ko sya pina-burn kase hindi masyadong panalo eh... :) kung gusto nyo magbasa about it dito click nyo na lang ito.
http://www.jdorama.com/drama_176.htm

2 Comments:

At 9:52 AM, Anonymous Anonymous said...

diosa4ever!!!!!!!! tigilan mo na 2! d ka nakakatuwa. filing mo nakakatulong ka sa sambayanan!! hindeeeeehhhh!!!!

 
At 11:42 AM, Anonymous Anonymous said...

IKAW LANG BA UMIYAK..? AKO RIN NAMAN EH, TANG-INA TALAGA ANG KWENTONG ITO, SYANG AT HINDI NAGING PRIMETIME SA ABS CBN.. 3 DAYS AKONG HINDI NAKA TULOG CGURO SA SUBRANG PAG-IISIP K KYOKO FUKADA...

 

Post a Comment

<< Home