Wednesday, July 28, 2004

Childhood Memoirs I

lumaki ako sa iisang bahay sa sta. quiteria, caloocan. never kaming lumipat. kaya kung kaklase kita nung kinder at nakapunta ka sa bahay namin, pwede mo pa rin akong bisitahin dun sa gilid ng kalsada.

hanggang seven years old ako, palaging may bdei celebration.at palagi ding pareho kami ng suot ni beng (sumunod sa akin, nasa heaven na ngayon) di tuloy malaman sa mga pictures kung sino yung celebrant...

sa cadaing compund ako natutong magbike. after dalawang semplang, keri ko na. yung peklat sa kanang tuhod andito pa din...

marami akong kalaro. palagi kaming nasa labas ni beng hindi pa sementado nun ang daan. may hills pa nga...

umaga pa lang, patintero na ang inaatupag namin. ibat'-ibang klase. meron yung may patotot, merong wala, meron ding pabilog at syempre, dahil lupa pa lang nun, kuha lang kami ng tubig sa tabing-kanal, may boundaries na kami...

dumugo ngipin ko minsan...dahil sa siato... mababa yung lipad ng pamato... tawa kase ako ng tawa... ayun, tinamaan.

may peklat din ako sa kaliwang tuhod...batuhang-ball. takbuhan... siksikan... tisuran... PLANGAK!

syempre, nagbahay-bahayan din kami... luto-luto ng mga dahon, saing kuning-kuning... buti di namin naisip tikman...baka wala na ako dito sa mundong ibabaw...
ginawa din namin yung dinidikdik na gumamela... tapos lalagyan ng tubig... tapos pwedeng bubbles...
HIGHTECH pa yun nun!

dahil sa paglalaro na yan, naranasan kong mapalayas...
binalot talaga ni nanay yung mga damit namin...
kase naman, sa sobrang labs namin yung mga playmates namin, kahit saan, kahit kelan, basta nagtawagan, kailangang magkita talaga...elementary pa lang ako nyan!

kaya ayun, sabi ni nanay, dahil palagi naman daw kaming nasa labas, aba'y ituloy-tuloy na namin! hinatid kami dun sa gate ng intsik naming kaibigan...nakapungko kami dun ni beng... kaharap ay halaman... NGUMANGAWA!!!

sabi ni beng, kaya daw siya umiiyak nun kase may maganda daw palabas sa TV na hindi namin napapanood...

hanggang ngayon tuloy, merong isang tricycle driver sa amin, pag nakikita ako sumisigaw ng LLLAAAAYYYYAAAASSSS!!!! alam kaya nya yung kahihiyang iyon?
eto ang pinaka-panalo.
naranasan ko na ring maibitin.
nakatali ang dalawang kamay at sinabit!
habang namamalantsa si nanay, nakabitin kami ni beng, talikuran...
tawa lang kami ng tawa... kwento ng kwento...
nasa grade three pa lang ata ako nun...
buti wala pang bantay-bata noon :)


0 Comments:

Post a Comment

<< Home