Friday, July 30, 2004

Childhood Memoirs II

si mama taga-pangasinan. si papa lumaki sa leyte. dito sa maynila sila nagkakilala at dito rin kami nabuo...
never pa akong nagbakasyon sa leyte...
nung bata naman kami, tuwing bakasyon sa pangasinan kami iniiwan nina mama. kasama ang lahat (halos) ng kamag-anak namin sa mother side... lolo, lola, auntie, uncle, pinsan, at pinsan pa to the nth degree...
natuto akong mag-ilokano.
at hindi lang yan ang natutunan ko...

uso nun sa probinsya ang sugal...
well, hanggang ngayon pa naman...
syempre para harmless, walang perang totoo...
ang pera namin, balat ng kendi...
depende sa balat ng kendi ang monetary unit nun...
yun ang taya namin sa cara-cruz...
nauso din yung rubberband... ginagawang bracelet, umaabot hanggang siko...
may iba't-iba pang ways para itali yun...

buti hindi naming tinali sa leeg...

pinangtataya din yan sa lucky 9.

syempre, hindi mawawala yung mga magugulang na kuya at ate...

kahit saan namin itago yung aming treasures (balat ng kendi at goma), nahahanap nila. minsan, inuutang pa yan!!!

pati tansan nagawan namin ng paraan. hindi lang pwedeng instrumento yan pag dating ng pasko.
pinupukpok muna yan para maging flat tapos kinikiskis yung magkabilang dulo para silver money ang dating...

imaginative talaga ang mga bata...

nung nagsusugal na talaga kami, as in may perang involved, binibenta ko yung tirang ulam ko sa mga matatanda kong pinsan...
sa sobrang dami kase namin, kailangan equal share yung ulam.
eh yung iba, balong malalim ang tiyan.
eh ako matipid sa ulam, madaming sumubo ng kanin...
busog agad...
madami pang tirang ulam...
kesa pilitng ubusin, mabuti na yung pagkakitaaan :)

bumuo din ako ng dance group sa probinsya...
ewan ko ba kung paano nangyari yun.
basta pumupunta na lang yung mga kalaro namin sa bahay at nagtuturo ako ng sayaw. umiindak ang aming mga maliliit na katawan sa saliw ng
LOST IN EMOTION,
SHAKE BODY, BODY DANCER at iba pa...

i'm proud to say, all original steps yung tinuturo ko...

dami kong nauto! :)

pag pyesta sa probinsya, may baile.
nagha-hire ng combo!
dadayo pati malalayong baranggay.
palaging may dance contest...

grade 1 ako nun, bakasyon. tinuro sa amin sa skul yung NAME GAME.
madali kong mamemorize ang mga steps kaya kahit bakasyon na, alam ko pa rin...

bakasyon. uwi ako sa probinsya. pyesta ng april.
nagsuot pa ako ng costume. hit na hit nun yung NAME GAME kaya alam naming magpipinsan na yun ang tutugtugin pag contest na.

hindi pa naman ako sanay sa puyatan nun.
sa kagustuhan kong sumali sa contest, mega hintay talaga ako!
very suporting naman ang mga pinsan ko kaya sama-sama kaming naghihintay.

di ko na kinaya...

nakaidlip ako....

ginising na lang ako ng pinsan nung contest na.
pupungas-pungas pa ako nung pumunta sa gitna.

sayaw ang bakla!

give lahat!

hanggang matapos yung tugtog...

nanalo ako.

apat kaming nag-tie.

eh sampung piso yung prize...

umuwi ako sa bahay...

madaling araw...

hawak-hawak ang prize na una kong napanalunan sa tanang-buhay ko...

masaya na ako at may 2.50 ako!!! :)

2 Comments:

At 1:37 PM, Blogger Ring said...

hahaha! tawa ako ng tawa sa kwento mo! P2.50 na price. grabe! sabagay dati pag may 10 pesos ka ang yaman mo na. hehehe.

 
At 3:08 PM, Blogger ria said...

rose, ty ha...
aktuali may sama ako ng loob sa judges nun kase yung tatlong nanalo eh galing sa isang group so pare-pareho lang sayaw nila... dapat ako lang ang tinanghal na champion! :)

 

Post a Comment

<< Home