Tuyong ubo at sipon
nahihilo na ako... pero gusto ko lang isulat ito... dalawang linggo na akong may ubo at (konting)sipon. hindi ito yung nakakahiyang ubo na pag tumawa ka lang eh may excited nang lumabas na plema. tapos sasabihin ng katabi mo, 'tol malaman yan ah!
masakit sa baga... wala kaseng plemang lumalabas... tuyong ubo...
hindi nga ako makapagklase ng maayos. ayaw ko namang umabsent dahil midterms na at kailangang matapos ng maaga ang sem ko...
hindi effective ang water therapy...
kinasel ko rin yung tutorial session ko sa wackwack. baka mahawa si student... sayang yung kita... tsk, tsk, tsk..
kasama ko si lalabs. ayaw ko rin magpahalik ng masyado kase baka sumunod naman siya. napapasa ba yun?!
ay kebs na lang... konting kispirin na lang siguro... baka kase magkaroon ako ng withdrawal epeks... :)
sana gumana yung binili kong cough syrup...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home