TOP 10 THINGS TO DO WITH YOUR JOWA
no, this is not bastos. it may gross you out, but definitely no immoral, scandalous or rude entries... kung wala kayong magawa, dahil sa sobrang pagod, walang pera, o dahil tinatamad lang here are some suggestions, tried and tested, to liven up your relationship :)
10) Kung pareho kayong teacher, magcheck na lang kayo ng mga exams... Together... kahit saan... forever... kahit kailan... o di ba ang sweet? (MAJOR YUCK!)
9) Pagmasdan ang isa't-isa ng matagal na sandali. Saka isa-isahin ang mga tsaka sa mukha at katawan ng iyong labs. :)
8) Kung medyo naglalakihan ang mga tiyan dahil sa sobrang kain, gumawa ng music or beat gamit ang tiyan bilang drums. Sabayan ng indak... A couple that makes music together, stays together. :)
7) Kumandirit from point A to point B. Mas malayo, mas maganda. Walang dayaan. Siguraduhing may pambili ng tubig after para walang bagang puputok...
6)Kumuha ng kapirasong tissue paper o kung wala naman kahit anong papel na malinis at di masyadong matigas. I-rolyo ito. Unti-unting ipasok sa butas ng ilong ni lalabs. Kung mahal ka talaga niya, papayag siya at hahatsing kung kelan mo gustuhin... Masarap naman yung feeling ng bumabahing eh!
5) Kakailanganin nyo ng unan. Humiga ang isa sa inyo. Pumwesto naman ang isa sa harap ng partner at maghanda para sa freefall. Siguraduhing nakapwesto ang unan sa harap ng babagsak na partner, para hindi mauwi sa kung ano man (^-^)
4) Magtanggalan ng whiteheads, blackheads, pimples, buhok sa ilong, mangilang-ngilang balbas at uban habang nasa jeep at stuck sa traffic. Nakikiskis mo din naman yan nang di mo namamalayan.
3) Humanap ng payong na tinitiklop at automatic na bumubukas. Ipatong itong pabaliktad sa hita. Pindutin ang pindutan. Instead na bumukas ang payong, biglang tataas ang handle. Iwasang mailapit ang mukha. Baka maghugis payong ang future hubby :)
2) Maghawakan ng kilikili. Left hand sa right armpit at right hand sa left armpit, ang unang makiliti, may batok!
1) Magturo ng something sa itaas habang ang siko ay nakapatong sa hita mo. Ang challenge ay kailangang pumasok ang index finger sa ilong ng jowa nang ulo lang ang ginagalaw niya. Mahirap talaga 'to, pero may mga minamalas at nasa-satisfy ang objective ng game. Minalas na ako :). Para mas kadiri piliin ang panahon na may sipon ang kalaro (^___^)

2 Comments:
Ang saya-saya naman, labs. I love you!!!
ang tamis nyo namaaan... nagkukulangutan kayoooo... waaaaw... nakakaingiiit!
Post a Comment
<< Home