Wednesday, July 21, 2004

ALIPIN NG TRADISYON

nung monday ng gabi, habang hinihintay ko si tets na matapos sa kanyang plate, nakapanood ako ng I-witness. isa ito sa mga fave show kaso bihira ko lang mapanood dahil late na ang airing time (di kase maubusan ng tele-novela!)

eniweys, kara david featured an ethnolinguistic tribe-PANDAN-BUKIDNON-somewhere in Capiz (ata). it focused on a certain tradition of the group where they choose somebody to be their princess - a binukot. Their chosen princess will live like a prisoner all her life (sa tingin ng isang modernong babae). Bakit?! Kase naman, she normally can't go outside her house (if she does, kinakarga sya or sinasakay sa duyan para hindi magakasugat or something), she shouldn't be seen by her tribe unless may social functions. dahil kase wala siyang ginagawa, tinuturo sa kanya yung mga sayaw pati epics ng tribe nila. basta buong buhay nya parang preso. tapos, arranged marriage pa.

kaso syempre, hindi naman yung pagiging parang preso ang iniisip nila. pagsisilbi yun sa kanilang tribo. may certain status yung mga pinipili, usually galing sa family ng datu. at pag napili, talagang nirerespeto. considered na treasure ng tribe. syempre mataas ang dowry. kakaiba talaga yung custom nila.

pero ngayon daw, ayaw na ng mga babae na mapiling binukot dahil siguro sa buhay na parang preso. mas gusto nilang lumabas at mag-aral kesa tratuhing prinsesa na nakahawla. maganda kase at least narerealize nila yung importansya ng freedom nila.

mas nakaramdam ako ng lungkot kase kasabay ng pagkawala ng mga binukot, nawawala din yung isang part ng mayamang kultura nila. sino na ngayon ang mag-aaral ng mga sayaw at epics nila? paano na ito ibabahagi sa iba? hindi ba importante ang preservation ng tradition? pero iniisip ko din, at what cost? tama lang ba na mabuhay ka para sa iyong tribo? paano na yung mga gusto mong gawin?







1 Comments:

At 11:12 PM, Blogger Erwin Rafael said...

Maganda ang punto mo, diosa. Pero aanhin mo ang tradisyon kung ito nama'y nagbubunga ng di-makatwirang pagsukol ng kalayaan ng isang tao? Siguro, i-junk na lang ang binukot tradition pero ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang tradisyunal na sining...

 

Post a Comment

<< Home