I hate myself
Kasasabi ko lang na busy ako pero blog pa rin ang inaatupag ko. Babatukan ko na talaga sarili ko e.
In fairview to me, naipasa ko na naman ang paper na dapat kong ipasa ngayon. Nagawa ko na rin yung assignment ko para sa klase ko mamaya. Pero, sa totoo lang hindi ako masaya.
Hindi ako satisfied sa nagawa kong papel. Tinapos ko siya, para umabot sa deadline. Ako na lang yata ang kilala kong gumagawa ng isang bagay para lang may magawa. Wala akong sense of pride. I mean, hindi ko kayang maipagmalaki yung mga ginagawa ko ngayong mga papel. My gulay, nasa graduate program na ako, pero ang attitude ko e pang-highschool pa rin. Eh dapat lahat ng nasusulat ko e publishable material na. Eh mahihiya nga akong ipabasa yung papel sa aking kapatid, magfi-feeling pa ako na pwedeng i-publish.
Pinipilit ko lang ba ang sarili ko na maging academic person? Dapat yata hindi ko na ginagawa itong ginagawa ko ngayon at nagko-concencentrate na lang ako sa mga non-academic stuff.
Baka ilusyon ko lang na kaya kong maging doktor balang-araw; na balang-araw magkakaroon ako ng sariling school; na balang-araw uupo ako sa isang posisyon sa DepEd (syempre as secretary); na balang-araw magiging chairman ako ng mahal kong departamento.
Kung magpapatuloy ako sa gawa ko ngayon, baka hindi na dumating yang balang-araw na iyan.

4 Comments:
Ang mga Diosa pala ay hate din ang sarili?! meron ba nun?? hehehe
Its' just a moment to prepare you to be better...all things work together for good even if sometimes we don't notice it...
kita mo lalo kang gagaling nyan dahil nakita mo weakness mo eh....
Keep on...Gambatte!!!
Sabi nga nila,
"All work and no blog makes Dyosa a dull girl."
So keep that in mind and you'll be fine.
haha! kakatuwa namn ang post mo, hehe...
pero malay mo eh magkatotoo nga yang mga balang araw mo jan...basta ba magsumikap lang...di ka pa ba naho-homesick jan? ako'y uwing-uwi na, tatapusin ko din lng kontrata ko dito at ayoko na yata bumalik dito, hehe...
kelan ka pa dito? sana nga matapos mo na din yang pinag-aaralan mo para magamit na yang talino mo sa pinas...
Dops
hi,Ria!
addictive ba talaga ang blog?kaya ayoko muna hehe
You know,wala namang masamang mangarap,di ba?
kaya lang ,dumarating talaga sa atin ang panahong parang worthless naman lahat ng ginagawa natin..,pero sa totoo lang,self opinion lang natin yon...hindi lang natin noticed(^_^)
everything is worthy..try to put some "passion"in it...:D
musta na?di ako makasagot ng email..masyado ng busy..
ingat,ria!
ghee
Post a Comment
<< Home