Tuesday, March 22, 2005

Boring event

Kahapon, natapos na ang isang chapter sa buhay ng isang friend at sempai, si ate beth. Nakuha na niya ang bunga ng kanyang dalawa at kalahating taong pamamalagi dito sa land of the rising sun. Tinanggap na niya ang kanyang diploma. (klap, klap, klap)

At siyempre, bilang pamilya niya dito sa Japan, ako, si cecile, at si drey ang kasama niyang nagbihis, nag-make-up, nagbitbit ng gamit, at nagkodak para sa joyous moment na ito.

Imagine nyo na lang apat na pinay, punong-puno ng energy, giggling all the way sa stadium, ina-admire at chinachaka ang mga damit ng iba pang students.

Bumababa energy namin nung nagstart na ang ceremony.

Binuksan ang curtain sa stage. Nakaupo ang mga heads ng bawat department at lahat sila lalake. Pati emcee, lalake. Pinakilala isa-isa. Nagspeech ang dean ng grad school. Tinawag ang bawat representative student ng department para tanggapin ang certificate. Sa bawat pagtanggap ng certificate, ang representative, aakyat sa stage. Bow sa right. Bow sa left. Lakad papunta sa table. Bow sa dean. Tanggap ng papel. Atras. Bow ulit. Lakad sa left wing ng stage. Bago bumaba ng hagdan, hindi symepre puwedeng kalimutang mag-bow. Bow sa right, at bow sa left.

My gulay! Pinakamaraming bow na nakita ko sa isang upuan.

Pati pala kami sa audience dalawang beses na pinatayo at pinagbow, sa hindi ko malamang dahilan. Walang music. Walang air of festivity. Tahimik, stiff. Nakatulog na nga si ces ng nakanganga (at may picture kami to prove it). Ito na ang pinaka-nakakabatong 30 mins na naranasan ko.

1 Comments:

At 11:02 PM, Blogger Erwin Rafael said...

ayayay!!! yan ba ang graduation nila? my gulay...

 

Post a Comment

<< Home