Mabahong usapan (ulit)
Kabanata 2
B: Hindi mo naman kase mapipigilan ang utot no. Pag kami nga ni E (jowa nyang forenjer) nasa loob ng isang futon, magagalit yun pag bigla na lang akong uutot.
A: Ang arte naman ni E!
B: Sabi niya pag uutot tumayo naman daw at lumayo.
C: E paano kung maginaw? Di ba nakakatamad tumayo.
B: Yun nga ang sabi ko sa kanya, syempre in English. Kaya nilalabas ko lang ang puwet ko pag umuutot!
(Tawanan na naman)
A: Di pag si E naman uutot, tumatayo? lumalayo?
B: Ano ka?! Gago nga yun e. Uutot sa loob ng kumot. Minumura ko nga e.
C: Ano naman sabi nya?
B: Okay naman daw umutot, dagdag init din daw yun! Tipid sa kuryente.
(Itutuloy ulit)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home