Monday, February 21, 2005

Yuki Asobi

Hindi ko ipagpapalit ang init ng Pilipinas sa lamig ng kung ano mang bansa. Isang bagay lang talaga ang kulang sa Pinas para maging perpekto ito: SNOW!!! (Wish ko magka-snow pagkatapos mawala ang polusyon, crime, graft, corrupt people, etc; which means near to imposible ito) Pero dahil wala naman tayong snow sa Pinas, para din akong batang nakipaglaro sa kapwa ko bata (ages 5-25) sa snow nang sumama ako sa isang volunteer activity kahapon sa Makino, Shiga (katabing prefecture ng Kyoto).

Sarap makipag-batuhan ng snow. Sarap yung alam mong mas malakas kang bumato sa mga kalaro mo. Sarap habulin ng mga bata at ibaon sa snow. Kulang na lang ang mag-ski. Hindi naman kami prepared sa outfit kaya next time na lang... Next year pala =)

Isang picture sa loob ng kamakura (igloo; na hinukay ng co-volunteers namin ng dalawang oras).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home