Isang linggong kawalan...
hay naku. hirap ng bakasyon ha. ako lang yata ang taong hindi natutuwa ng lubos sa bakasyong tinatamasa ko ngayon (as of speaking, since october =)). hinihintay ko lang ang pasukan sa april. ang spring. ang haba ng winter...
ano ba ang mga ginawa ko simula noong isang linggo? bukod sa pag-aayos ng mga kailangan ayusin for april, wala. wala akong relevance. nasa bahay lang. nood tv, nood ng movie, nood ng sex and the city. luwa na nga ang mga malalabo kong mata. ayaw ko talaga ng ganito. mas lalo akong tinatamad dahil wala akong kailangang ma-accomplish.
umiiwas din ako sa halos gabi-gabing gimik ng mga kasama kong pinoy dito. ubos pera. hindi naman sobra-sobra ang tinatanggap ko sa aking patron =)
pero syempre may sinasamahan pa rin naman ako. tulad nung wednesday. pumunta kami sa isang disco. 80`s nite daw. excited kami. okay naman yung place. nothing exceptional. halos lahat ng goers ay foreigners. dadalawa lang ang table. nakatayo lahat. gusto mo man o ayaw mong sumayaw. enjoy naman ako doon. sobrang ganda ng pagka-high pag pawis-pawis ka na at umiindayog ka ng walang pakialam. yung mga kasama ko din. to the highest power ang energy. considering na dami na rin kaming alcohol intake. sakit nga lang ulit sa bulsa. pero worth it para sa akin. basta sayawan, hindi ko inaayawan...
nakauwi na kami ng thursday ng 7am. tapos may nag-aya na isang friend na magpasyal. may kotse siya at libre kaya kahit bigat ng mga katawan namin, sumama kami. punta kami sa shiga prefecture(lugar ng mga ninja) para tumingin ng mga isda. umuulan nga lang kaya hindi kami masyadong nakapag-strolling-strolling.
nagkaraoke din kami kagabi. sa isang lugar na parang hotel. at nomihodai (drink all u can). puno ng iced cocoa ang tiyan ko. siguro mga limang baso. plus isang baso ng strawberry milk at moscow mule. para na akong 5-month pregnant nung lumabas ng karaoke at pumunta sa yakiniku place (bbq). tsalap, tsalap! may squid pa!
o diba? walang relevance talaga buhay ko. hehehe. naghihintay yung mga japanese books ko sa aking shelves. kailangan kong mag-aral. yan dapat ang smart way of spending my free time. pero mas nauna kong binigyang pansin ang sophie`s world. at ngayon matatapos na ako sa the da vinci code. at may apat pa na books na naghihintay sa akin. magstay na lang ako sa bahay. walang socialization with other piplets. basahin ko na lang mga books ko. baka maging hikikumori ako =(
ilang linggo pa ba bago mag-april? 2 weeks. 14 days. hirap kase. bawat galaw labas pera. may pinag-iipunan pa naman ako... sige na nga magpapakatino na muna ako... tagay naman jan! =)

1 Comments:
Hehe. Ako rin sensei. Grabeng umindayog sa field. :D
-guia-
Post a Comment
<< Home