Wednesday, February 23, 2005

Mabahong usapan

Isang gabi, habang nanonood ang tatlong magkakaibigan (sina A, B, at C) ng Riding in cars with boys sa isang 6-tatami room...

May pumururot...

Napakunot si A. Inisip kong utot ba yun. Binalewala na lang dahil hindi naman umamoy.

Nang matapos na ang movie...

B: Naipit ang tiyan ko, kaya nautot ako. Pero wala namang amoy. Okay lang di ba?! (Medyo mataas ang boses, defensive ang lola ko! )

Biglang tatawa si C.

C: Si mama, pag may umuutot feeling niya nababawasan ang pagkatao niya. Ewan ko ba dun. Sobrang arte! Pag kami nga ni D (mas nakababata niyang kapatid) nauutot, sinasabi niya Lumayo kayo!!! Lumayo kayo sa akin!!! Mandiri naman kayo. Kung uutot kayo, lumabas kayo ng bahay. Hay naku, ang mama ko talaga...

Napuno ng halakhak ang maliit na kwarto. At ito ang simula ng mahabang mabahong usapan...

(Itutuloy)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home