Wednesday, February 16, 2005

Project 2005

May naisip akong brilliant idea para i-spend ang March. Since wala pang pasok at tinatamad din naman akong magpart-time job (unless kikita ako ng isang lapad sa isang araw), naisipan kong gumawa ng script! Yes, magsusulat ako ng script para sa isang pelikula. Nainspire ako dahil kakapanood ko lang ng bagong Kris Aquino movie (with Starstruck ultimate survivors) at Kristine-Diether movie. Ha! Kayang-kaya ko ding gumawa ng ganyang klaseng pelikula =)

Baka pwede ulit si Kris magpahawak ng suso. Sino ba ang madalas gumanap na bading ngayon? Wag na si Eric Quizon kase siya na nga yung humawak sa movie. Pwede siguro si Albert Martinez (napanood niyo ba yung Pusong Mamon?) o kaya si Ricky Davao Si Roderick Paulate kase nalilinya na sa horror films.

Since nauuso na ngayon na pinopromote din sa pelikula ang mga kanilang mga sponsors, maglalagay ako ng madaming scenes na katulad ng kay Kristeta na mabubulunan dahil sobrang chunky ng Purefoods corned beef. Mamamatay kaya siya??? Hhhmmmm...

Pwede rin siguro si Tita Shawie at Aga. Di ko napanood yung recent movie nila pero parang ganun din ang istorya, love story. Pero hindi sila magkakatuluyan kase ayaw nilang magcompromise kung sa Mcdo kakain o sa Jollibee.

Basta! Abangan niyo na lang ha. At kung may gustong magproduce nagyon pa lang, paki-email na lang ako ha :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home