Sa pagtapos ng Feb 8...
Nagsimula naman ang buhay ko bilang isang silver lady. Yes, ako po ay 25 na simula ngayon. At bilang unang pasabog, niregaluhan ko ang aking sarili ng isang pasa sa hita. Nasemplang ako. Hindi umuulan, hindi madulas ang daan. Natural lang akong tanga. Kahit anong itanda ko siguro mananatiling may isang uri ng katangahan sa aking pagkatao. Kukunan ko sana ng litrato ang aking maputi at mabilog na hita para maipakita ang kulay ubeng parte na resulta ng aking pagkasemplang pero baka kumalat sa internet at maging instant hita lady ako. Diosa ng mga hita?!
------
Silver=25. May tatag, may tigas (hindi ang tigas na iniisip mo). Pinatibay ng panahon. At patuloy na pinatitibay pa.
25=Silver. Second-best? Puwede na ba ito sa akin? Okay na ba ako sa mga nangyari sa buhay ko? Suicidal ba ang dating ko?
25. Half of 50. Mid-life crisis na ba ito? Nyek, parang ang aga ko namang mamamatay...
25. Quarter of 100. May quarter-life crisis ba? Ang haba naman ng buhay ko pag nagkataon. Well, kung ganun man dapat maging masaya. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong dapat gawin. Marami pa akong plano. At may mga plano rin si Lord para sa akin.
------
Ang hirap magbirthday ng malayo sa mga mahal sa buhay. May mga friends naman ako dito pero iba pa rin siyempre. Well, pinili ko naman ito. So I will stick with this decision. (Take note that I used the active sentence construction and not the passive construction: I am stuck...) Hindi naman masasayang ang pagkakataong ito sa akin. Mahirap lang dahil hindi ko pa makita ang dulo. Pero sure ako na hindi ito panget, masama o walang kwenta.
------
Balak ko sanang magkaraoke mag-isa at bumirit ng hindi iniintindi na wala ako sa tono o panget ang boses ko. Next time na lang. Makakanta ko rin ang: It's my party and I'll cry if I want to, cry if I want to. Wooh-hoo-oh.
------
Happiness is a choice.
Believe in people and enjoy life.

2 Comments:
ria pohtah me blog ka na din pala!<3 anyway, musta na? kelan ang ��{����̋A���H pasalubong ko ha? hehe XD
rotch
Happy birthday!! Kung malapit lang ako sa yo,samahan kita sa karaoke.. Hope you enjoyed your birthday and had cards and greetings from back home. Your post is amusing,mid life crisis at 25? hahaha!
Any pics from Kyoto? Hope you'll blog about it.. :)
Post a Comment
<< Home