things we do...
araw-araw akong may klase sa japanese. isang araw, isa't kalahating oras. isang linggo para sa isang lesson. dapat creative sa activities para di ma-bore mga students (pati ako!) kaso wala pa ako masyadong nagawa, although ang dami ko nang pwedeng magamit... mga natutunan ko sa NUTS ENTERTAINMENT (panalong show ito!) hangga't wala pang concrete activities, stuck pa rin ako sa skits, dialogues, at listening exercises.
kanina, introduction ng bagong lesson. basa-basa, tanong-tanong. nung malapit ng matapos, napansin kong restless na sila. wala na akong maisip e nag-dialogue na kami. explanation na lang ng mga expressions.
may tinanong yung isa kong estudyante, paano daw ginagamit yung toku ni? binigay ko yung equivalent for english: specially. bigay pa akong sample sentence."kono kyoushitsu ni minna ga kirei desu. toku ni sensei ga kirei desu". (for translation email me ^.^ )
hiyawan ang klase. at least nag-react sila... meaning, naintindihan nila! SATISFACTION!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home