Saturday, May 14, 2005

Turning Japanese(?)

Ilan sa aking mga realizations:

1. Alam ko na ang schedule ng mga bus at mga trains. At kung anong bus ang sasakyan ko para umabot sa specific time ng train, kasama ang oras ng paglakad =)

2. Nakakaramdam na ako ng inis kahit isang minuto pa lang late ang bus. Pwede kaseng hindi ko na maabutan ang susunod kong mga sasakyan.

3. Mahilig at madali talaga akong makatulog. Kahit saan. Bukod sa bahay, tulog ako sa jeep, sa tricycle katabi ng driver, sa bus. So hindi na kakaiba ang matulog ako sa train dito. Pero ang makatulog ng nakatayo?! Ibang talento na ito =)

4. Isa ng routine ang buhay ko. Gigising sa umaga, magprepare para umalis ng bahay at habulin ang bus. Madami na ngang familiar faces sa bus. Makakatulong kaya kung makikipagkilala na ako sa mga madalas kong makasabay?=)

5. Kaya ko nang kumain ng mag-isa sa canteen. Dati palagi ko kasing iniisip na malungkot. Tsaka pag kakain ka mag-isa sa canteen para stand-out ka. Foreigner na nga ako dito, mag-isa pa akong kumakain. Parang walang friends ba. Iniimagine ko din yung siksikan ang buong canteen pero yung table na gamit ko ako lang ang nandun. Parang pathetic. Pero wala palang pathetic-pathetic kapag kumalam na ang tiyan. Lalo na kapag tumitingin na sa iyo ang katabi mo sa computer room dahil sa "active" mong stomach.

Sa mga kilala kong hapon, babae man o lalaki habit na nila ang uminom bago matulog. Para maalis siguro ang pagod sa school o sa trabaho. Yung isa ko ngang sensei dati sa Pinas, overtime sa UP tapos pag-uwi kakain lang at iinom ng beer tapos matutulog na. Hindi na yata sila naglalabing-labing ni misis. Di ko alam kung sa lungkot o sa lamig pero ininom ko na ang isang can ng chu-hi kagabi bago ako matulog. Nakatulong naman. Nag-init naman ako. wehehehe.

6. Nagsasalita na ako mag-isa. Pero hindi pa naman sa labas ng bahay. Kapag nasa loob lang. Magkokoment sa mga pinapanood ko, etc. Minsan kase gusto ko lang icheck kung may boses pa ba ako dahil tunog lang ng tv at radio at kapitbahay ang naririnig ko pag mag-isa na ako sa kwarto.

---------------------

Sadista ang isang sensei ko dito. Pinagdownload kami ng Macbeth. Hindi para basahin kundi para i-edit. Sa corpus linguistics na subject ko. Hanapin daw namin ang mga punctuation marks.
Hindi kasi one-to-one ang correspondence ng mark sa function nito. Halimbawa, ang period may function na magsignify ng end ng isang sentence. May function din siya sa acronyms o abbreviations. Magkaibang period. So kailangang i-differentiate at magbigay ng distint symbols.
Buti sana kung ganyan lang. E ang apostrophe, tatlo ang alam kong iba't-ibang gamit nyan. Para ipakita ang possessive form (teacher's sadism); para sa contraction (doesn't, 'tis); at para sa quotation (ang tawag nila sa akin ay 'diosa').
Sino ba naman di maloloka dito?!
Buti na lang may pagka-masokista ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home