Tuesday, May 17, 2005

Sangandaan

Image hosted by Photobucket.com Tatlong taon. Isang grupo. Iba-ibang tao.
Marami na ang nagbago.

Nagsimula sa papraktis-praktis sa Aplaya
Sa kwartong saksi sa pagpapalaya
Hanggang ang diwa'y umabot sa Likha.

Panahong dumadaan
Dumadaming kaibigan
Tumitibay na samahan
Lumalawak na kaalaman
Sumasayang tugtugan
Lumalalim na unawaan

Sa dagundong ng agong
Sa kalampag ng kulintang
Sa palo sa pisngi ng drum
Bawat tunog mula sa kawayan

Nagtatagpo ang sanga-sangang kaisipan.

1 Comments:

At 7:48 AM, Blogger Wanderer Lady said...

great poetry, my dear!!!

 

Post a Comment

<< Home