Wednesday, May 11, 2005

Gulat news

Hindi ako nakareact agad kagabi nang sinabi ni paeng na ang aking favorite cabinet member ay nagresign na din. Ito na ba ang uso ngayon? Kakaresign din lang ni Yorac at ni Corpus. Daddy Dayrit, bakit po kayo nagresign? Feeling close ako sa dating DOH secretary kase may short stint ako sa isang office nila - ang National Voluntary Blood Services Program. Hindi naman kami nagmeet. Sayang nga e.
Nang mabasa ko ang artik sa INQ7 tungkol sa pagreresign ni Dayrit, hindi ako mapalagay. Sabi niya "It is time for me to resign my post as health secretary and transfer leadership...". Naturally, hindi ka aalis sa isang field na ginagalawan mo kung alam mong okay naman ang ginagawa at marami ka pang pwedeng gawin para dun. And what is with the four years? Napagod na ba siya?
Hindi na siya magiging visible. Mababawasan na ng ginagaya si Michael V. sa Bubble Gang. =(

---------------------

Isa pang nakakagulat na balita ay nang malaman ko noong Mother`s Day nang tumawag ako kina mama na si Liezl na aking recently-married pinsan (last week lang ng April) ay jontis na!!! Naglilihi na daw. Nagulantang ang aking buhay. Pero happy ako siyempre for you, insan! Dagdag na naman sa ating angkan...

Naunahan na naman ako. 4 years yata ang tanda ko sa kanya.

Hoy IKAW!!! wala ka pa bang planong magpropose?! =p

1 Comments:

At 9:03 PM, Blogger Erwin Rafael said...

labs, pakasal na tayo pag natapos mo na M.A. mo diyan. :)

i love you!!!

 

Post a Comment

<< Home