Worst Rail Accident
Nakakatindig balahiboang nangyari kahapon ng umaga sa isang JR (Japan Railway) train. Mahigit sa 70 na tao ang namatay at mahigit sa 450 ang nasugatan ng bumangga ang train sa isang residential building sa Amagasaki, Hyogo prefecture.
Tingnan niyo lang ang pictures na ito.

Parang dinikit sa dingding itong pangalawang compartment ng train. Hinulma sa shape ng building.
Seven lahat ng compartments ng train na iyan. Yung unang compartment, sa kung ano mang dahilan, nagkasya sa parking space ng building.
Terible. Isa lang siyempre ang sinasabi ng mga nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa aksidenteng ito. Ang maibalik ng Japan Railway Co. ang kanilang mga magulang, anak, kamag-anak, at kaibigan.
--------------
kinuha ang pix sa site na http://story.news.yahoo.com/news?mpl=story&u=/050425/481/tok85304250805

0 Comments:
Post a Comment
<< Home